Chapter 38

694 27 8
                                    


Chapter 38

Short

Maaga akong nagising kinabukasan. I decided na puntahan yung company sa Makati para doon sa offer. I realized na magtatagal pa ako rito kaya mas mabuting may pagkaabalahan ako habang nandito ako sa bansa.

Matapos ang picture taking after ko pumirma ng kontrata ay agad akong nagpasyang lumabas. Ferd is not with me. May aasikasuhin daw siya and I suddenly feel betrayed dahil sabi niya bago siya umuwi rito ay sasamahan niya ako sa mga lakad ko!

Ang lukaret, mukhang kinalimutan na niya ang sinabi niyang iyon.

"Thank you again for choosing us, Miss Cirea.."

Tumango ako at ngumiti. Inihatid ako ng mga empleyado hanggang sa makapag-park ang kotse ko sa harapan ko. Without looking back, I entered and started the car.

Elise texted me a while ago, asking if my decision is final regarding sa home coming event. Hindi na sana ako sasama talaga kaya lang nagbago ang isip ko kagabi.

Napatingin ako sa paper bag na nasa kabilang seat. Laman nito ang damit na binili ni Zeid kahapon. It's pretty but.. hindi siya papasa taste ko.

Ngayon.

I smirked. But I still find it pretty, kailangan lang gawan ng isang himala upang makapantay sa gusto ko.

Tumunog ang cellphone ko para sa isang tawag. Kunot ang noo'y dinampot ko iyon, mabilis din nawala ang call. Maybe it's a missed call. Galing iyon sa intagram kaya binuksan ko ang account ko roon.

I saw Zeid's name. He's typing, right now. Tumaas ang kilay ko nang makita ang maraming chats.

Zeid:

Good morning. You didn't reply last night...

Zeid:

Did you eat?

Zeid:

What are you doing?

After that, missed call na. Pumasok na rin ang kaninang tinitipa niyang mensahe.

Zeid:

Sorry, napindot ko. Pasensya na, nakakaistorbo ba ako?

Ngumisi ako. Tingnan mo nga naman. That's how you do it para malaman mo kung ineterasado ba sa'yo ang isang tao. And my techniques worked!

Walang paligoy akong nag reply.

Cirea:

Yes.

Pagkatapos ay itinuon ko na muli ang sarili ko sa pagmamaneho. I turned my data off so that he won't bug me. Mabilis rin naman akong nakarating sa boutique kung saan ako nagpa-appointment.

Since I decided to come for tomorrow's event, hindi ako papayag na magmumukha akong pipitsugin bukas. That's why I am here.

"Oh, you're really here!" Phoebe, who once assisted me, came to me with an open arms.

Ngumisi ako. "Bakit? Do you think that it's really a prank?" Natatawa kong sambit habang nakikipagbeso sa kanya.

The Governor's DaughterWhere stories live. Discover now