Chapter 39

796 31 5
                                    


Merry Christmas! I finally found a free time to write. Here's my gift to all of you, Godbless!

Chapter 39

Ausborn

"He likes it long, so I cut it short."

Umingay ang mga tao sa gilid. Nag-iwas ng tingin si Zeid sa akin at inabala ang sarili sa mga staff na nakikiusisa sa amin.

"Oh, si Madam, nagsasawa ata!" Humagikgik iyong chubby na babae.

"Ay naku, ang ingay mo 'te!"

"Pasensya ka na, Miss Cirea. Ganyan lang po talaga—"

Ngumiti ako. "No worries. I enjoyed your service naman so it's okay. Gotta go." Kumaway ako sa kanila at nagsimula ng maglakad.

"Kuya, ingatan mo si Miss Cirea ha! Ay naku, mabubura ka sa Pilipinas pag nadisgrasya 'yan si Miss." Rinig kong bulong nila.

Pinilig ko ang ulo ko. Tumila na ang ulan. Bahagya tuloy akong nakaramdam ng gutom. Shit. Oo nga pala, hindi pa ako kumakain!

"May naiwan ka ba?" Mahinahing tanong ni Zeid sa akin.

Umiling ako at pumasok na sa loob. Kanina pa pala siya nakaabang sa pinto ng sasakyan. Pinanood ko siyang umikot sa sasakyan hanggang sa makapasok at makaupo sa driver's seat.

"Babalik na tayo?" Tanong niya at ini-start ang sasakyan.

Tumango ako. "Oo, pero, daan muna tayo sa drive thru. I'm hungry.." wala sa sarili kong saad.

Pinagmasdan ko ang sarili ko sa camera ng cellphone ko. Mas nagmukha akong matured and I like the way I look now. Para akong obsessed sa sarili ko kung makapagpicture.

"Hindi ka pa kumakain?" Bahagyang tumaas ang boses niya roon kaya napatigil ako sa ginagawa ko.

"O-Oo."

"Bakit? Alas kuwatro na, nalipasan ka na ng gutom!" Asik niya at umiling.

"Well, that's normal—"

Mas lalong nagsalubong ang kilay niya sa akin, hawak niya ang cellphone niya nang lumingon siya. "Normal?" Sarcasm niyang saad. "Don't be ridiculous. It's not normal, Georgia!"

"Oh come on, I'm busy! I have so many things to do, okay? Tingin mo ba maiisip ko pang kumain ng lunch." Irita ko ring saad.

"You're being stubborn, Georgia. And I don't like it." Aniya at mabilis na may tinawagan sa call.

Natawa ako ng bahagya. "The hell I care if you likes it or not." Sambit ko at inabala na lang ang sarili ko sa paglagay ng pictures sa story sa IG. Nag upload rin ako ng mga larawan doon.

As expected, the netizens were shocked because of my new hair style. Dinagsa ng komento ang larawan ko. Marami rin ang nagmessage sa akin.

Nalibang ako sa social media kaya naman hindi ko na naramdaman na nandito na pala kami. Kunot ang noo ay napaangat ako ng tingin kay Zeid dahil sa tunog ng isang camera. Nakita ko siyang nagtaas ng kilay sa akin.

"Are you taking picture–"

"Baba." Saad niya at mas lalong kumunot ang noo ko, bahagya ring natigilan sa narinig.

"W-What?" Defensive kong tunog.

Siya naman  ang nagtataka ngayon. Umirap ako, did he just call me by our callsign before?

What the hell?

"I'm asking you. What did you say?"

Umiling siya. "Ang sabi ko, baba. Kakain muna tayo saglit sa restaurant bago bumalik sa boutique. It's not good for your health na magpalipas ka ng pagkain." Aniya at siya mismo ang nagkalas ng seatbelt ko.

The Governor's DaughterWhere stories live. Discover now