Chapter 17

562 24 0
                                    


Chapter 17

Athea's reason

"Here are my classmates in Thesis. Si Ryden, Carl, Henry, And of course, Lyra.."

Kumaway iyong mga kaklase niya sa akin. Bahagya tuloy uminit ang pisngi ko. Tinotoo niya talaga ang sinabi niya sa akin, ah?

"Uy, sino yan? Si Georgia?" Boses ni Andrei. Tumapat sa kanya ang camera. Malapad na ngumisi si Andrei dito at kumaway.

Tumawa ako. "Hi, Andrei!"

Nanlaki ang mata niya. "Lah, pre, si Georgia nga! Hi Georgia! Miss na kita–aray hoy!"

Natawa ulit ako. Paano ba naman kasi ay binato siya ng unan ni Zeid. Nahagip ng camera si Lyra na nakatingin sa gawi siguro ni Zeid. Nasa sulok siya ng sofa habang ang ibang kaklase ni Zeid ay nagkalat sa sahig.

"Bahala na kayo rito, ah. I will do my part upstairs. Pag may kailangan kayo, kay Andrei n'yo na lang sabihin." Nadinig kong boses ni Zeid.

Lumipat ang camera at napunta na sakanya iyon ngayon. Kinagat ko ang labi ko. He is moving, mukhang paakyat na.

Tumahimik ang paligid at narinig ko ang pagsarado pati ang pag lock ng pinto. Mukhang nasa kuwarto na siya.

"See? I'm alone here. Don't worry. I will not hung up the call until we both fell asleep." Ngumisi siya.

Nailing ako. Posible ba yon?

Humiga siya sa kama at narinig ko ang paggalaw non. Kinagat niya ang labi niya. "Say something, please. Don't be mad anymore.."

Napapikit ako sa boses niya. Sobrang baba noon at para siyang kagigising lang. "I-I'm not mad."

"Hmmm.." aniya. "You didn't tell me about going out with Martin. Nililigawan ka ba n'on?"

Huminga ako ng malalim. He asked me earlier if I am going to come again tomorrow, so that he can prepare some things. Kaya lang, sinabi kong may lakad kami nila Martin. Even if I want to, I can't.

Umiling ako agad. "Hindi, 'no! Tsaka hindi lang naman kaming dalawa. Pati iyong iba.. nahihiya na kasi ako sa kanila 'pag niyayaya nila ako. Kaya ayun, may lakad na kami bukas.."

Tumango siya. "Where?"

"Taytay Falls. Alam mo ba 'yon?"

"Yes. Naliligo kami doon nila Andrei. We should go there too.."

Napangiti ako. Yes, Zeid. We really should. I want to experience it with you.

Nag-usap pa kami ng ilang oras. Sa huli, siya ang nakatulog. Pinagmasdan ko siyang natutulog sa screen. Hindi nga niya pinatay iyong tawag. 'Ni hindi na din nakapag good night. He must be tired, huh?

I think about Lyra. I really don't know what's the real score between them. Maybe Zeid is just friendly to her, hmm? Just like me? He let her come to his house. Even sleeping in his house.

Kung matulog din kaya ako sakanila? Would he let me?

This is insane. Hindi ko dapat iniisip ang tungkol sa bagay na iyon. Kung sinabi ni Zeid na hindi sila, hindi sila. Mas may tiwala ako kay Zeid kaysa kay Lyra. Tama. Iyon dapat.

Kinabukasan, nagising ako sa alarm clock. Nagulat ako na nandito na si Nana. Ang aga niyang dumating, ah.

"Good morning, Nana! I miss you!" Lambing ko sa kanya at niyakap.

Tumawa siya at hinalikan ako sa noo. "Good morning, Georgia. Maligo ka na at may lakad ka ngayon, hindi ba? Nakahanda na ang bath tub mo with rose petals."

The Governor's DaughterWhere stories live. Discover now