Chapter 28

667 25 2
                                    


Chapter 28

Chance

Hindi kailanman nang-usisa si Papá sa biglaan kong pagdedesisyon. Gaya ng sinabi niya sa tawag, umaga ang flight ko. Siya ang naghatid sa akin sa airport noong araw na iyon kasama si Nana at iilang body guard.

Nana is crying while hugging me, but Papá is silent the whole time until I had to go inside. Dinamdam ko na ang yakap niya dahil alam ko sa sarili kong magtatagal ako sa ibang bansa.

Ilang adjustments ang ginawa ko sa New York. Hindi naging madali sa akin ang manatili doon bukod sa ako lang mag-isa, wala akong kasundo sa bago kong paaralan. Wala namang kaso sa akin iyon dahil hindi ako nandito para muling makipagkaibigan. Nandito ako para magtapos ng pag-aaral.

If you're thinking that my classmates are mean, then no. It was me who's mean to them. There are times na may lumalapit sa akin at nakikipag-usap but I'll just pretend that I didn't hear anything.

Just like this one. Again.

"Hey, wanna have dinner together?" Willie, my classmate who's been bugging me since I came here. Kahit anong sungit ko sakanya, hindi siya natitinag.

Napatingin ako sa paligid nang naramdaman kong natigilan ang buong klase. Willie is kinda famous here, so that's the reason why some of our classmates were curious.

Ngumisi ako. "Sorry, but I want to eat my dinner alone." Sambit ko at mabilis siyang nilampasan. Kakatapos lang namin sa Lab at last subject namin yon ngayong araw.

Narinig ko ang mga yabag sa likuran ko. Tsss. Here he is again. Sumusunod na para bang buntot ko. Half-Filipino si Willie kaya nakakapag tagalog din siya minsan. Lalo na pag kaming dalawa lang ang natitira.

"Ang sungit mo talaga sa'kin. Gusto ko lang naman makipagkaibigan sa'yo since ikaw lang ang kababayan ko dito," tunog nagtatampo niyang saad.

He's right. Bago ako dumating, siya lang ang may lahing Pinoy sa klase namin. Kaya tuwang tuwa siya at kinukulit ako palagi dahil magkababayan daw kami.

"Ayokong makipagkaibigan sa'yo. Ano bang mahirap intindihin doon?" I fired back.

Ngumisi siya. "Mahirap intindihin 'yon. Kababayan mo 'ko pero di mo 'ko pinapansin. Dapat tayo nga ang nagtutulungan dito–"

"Will you just shut your mouth? Nakakairita ka." Hindi ko na napigilan ang bibig ko.

Mas lalong lumapad ang ngisi niya sa akin. Umiling siya. "Georgia, nacu-curious tuloy ako sa'yo kung masungit ka ba talaga o hindi. Tell me, ganyan ka ba talaga noon? Bakit parang.. bakit parang pakiramdam ko ay hindi ka naman ganyan noon?"

Natigilan ako doon. Tama siya. Hindi naman talaga ako ganito makipagtungo noon sa mga kaklase ko. Noon, I always wanted to have some friends. But right now, I just feel like I don't want to make some friends again.

Nakakatakot na.

"'Di ka na nakasagot? Tama ako, 'no?" Nabalik ako sa reyalidad nang muling narinig ang nakakairitang boses ni Willie.

"Lul. Tigilan mo na nga ako," umiling ako at nagpatuloy sa paglalakad papunta sa parking lot. Hanggang ngayon ay napapangiti pa din ako sa tuwing nakikita ko ang sasakyan kong binili dito sa New York.

Ang sarap lang sa pakiramdam na feeling mo ay malaya ka. Iyon bang wala ng body guards. That feeling when you know that you have a freedom.

Tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko iyon at nakitang si Papá ang tumatawag doon. Napailing ako. Araw araw tumatawag si Papá sa akin para kamustahin ako. Mahal ang tawag sa ibang bansa ah? But then again, I remember, I am the Governor's Daughter.

The Governor's DaughterWhere stories live. Discover now