Kabanata 47

1.4M 33.1K 11.2K
                                    

Kabanata 47

Lost and Found

Nakatulog ako sa kalagitnaan ng movie. Tahimik na kasi kami ni Noah pagkatapos kong ilagay ang cellphone ko sa mesa at hindi na ginalaw ulit. Nakatulog din yata siya dahil sabay kaming ginising ni Manang para sa tanghalian. Sabay din kaming kumain sa hapag at wala siyang ginawa kundi asarin ako.

"Kumain ka pa." Sabi niya sabay lagay ng pagkain sa aking pinggan.

"Noah!" Saway ko at pinandilatan siya.

He only grinned. Sumimsim siya sa tubig at pinanood ang paglalagay ko ng pagkain sa kanyang pinggan. Naisip ko tuloy ang mga nakain ko nitong mga nakaraang araw. Noah's spoiling me with too much carbs. I should diet.

"What's wrong with eating more?" Tanong niya habang nasa bibig ang french fries.

"Nothing's wrong except that I'm going to gain weight and then tataba." Sabi ko.

"Ano ngayon kung tumaba ka? You're naive."

Nalaglag ang panga ko. "Are you courting me? God! Noah!" Iling ko.

"Yes, I am. Hindi ko talaga makuha ang punto mo. Bakit ayaw mong tumaba?" Ngiwi niya.

"Why don't you mind your own biz? Tsaka busog na rin naman ako kaya hindi na ako kakain."

"Tss..." Sabi niya habang nagmamartsa ako patungong kitchen para ilagay ang mga pinggan na tapos na gamitin.

Umakyat ulit ako sa kwarto ko para mag toothbrush at hinayaan ko si Noah na palaboy sa aming sala. Wala talaga yatang balak na umalis sa aming bahay. Habang nag to-toothbrush ay naiisip kong bigla iyong kakatok dito. Papatayin ko talaga siya.

Pagkatapos kong mag toothbrush ay sinikop ko ang buhok ko at tinali bago lumabas ng kwarto. Pagkalabas ay naririnig ko ang grand piano namin na tumutunog sa himig na putol putol at di ko malaman. Dumungaw ako sa railing kung saan kitang kita ang buong sala namin. Sa baba ay naroon si Noah at nag pi-piano. Tumikhim ako at bumaba sa hagdanan habang nagtatanong sa kanya.

"Kailan ka natutong mag piano?" Tanong ko.

Hindi siya lumingon pero sinagot niya ako. "Nag aaral na ako bago ka umalis." Sabi niya.

Lumapit ako ng husto sa sa piano namin. Nag angat siya ng tingin habang tumutugtog kahit na may ilang mali-mali. Ngumuso ako at napatingin na rin sa kanya.

"Anong tinutugtog mo?" Tanong ko.

"It's our new single. Sinusubukan ko lang." Tumigil siya at humarap sa akin.

Tiningnan ko ang keys ng piano at pumindot ako ng isa. Sa taranta ko nang hinawakan niya ang aking baywang gamit ang dalawa niyang kamay ay napapindot ulit ako ng isa.

"Noah!" Ngumiwi ako at hinawakan ang kamay niya.

Dinilaan niya ang kanyang labi bago kinagat. "Will you help me with this, please?"

Uminit ang pisngi ko at tiningnan ang piano. "Hindi mo ako kailangang hawakan para matulungan kita diyan." Sabi ko at marahas na tinanggal ang kamay niya sa baywang ko.

Worthless (Published Under MPress)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon