Kabanata 46

1.3M 35K 30.3K
                                    

Kabanata 46

Full Time

"What in the world?" Madrama kong sinabi.

Nilingon agad ako ni Noah nang narinig ang boses ko. Ngumiti siya at napatingin ako sa niluluto niyang mukhang beef steak. Napalunok ako. Smells good, huh?

"What are you doing here, Elizalde?" Tanong ko at tinigil ang paglalaway sa luto niya at ngayon ay inilipat ang mata sa kanyang katawan. Darn!

"I am obviously cooking." Sarkastiko niyang sinabi.

"At bakit ka nandito?" Luminga ako para mag hanap ng katulong pero wala doon. Nakatunganga lang si Noah at mukhang uulitin na naman niya iyong naging sagot niya kanina kaya imbes na hayaan siya ay umalis ako sa kitchen para maghanap ng eksplenasyon kung bakit nandito siya.

Mabuti na lang at wala talaga ang parents kung hindi ay kanina pa siya pinatapon ni daddy. Mainit ang dugo ni daddy sa kanya at pag nakarating ito sa kanya ay paniguradong masasakit na salita na naman ang ibabato niya kay Noah.

"Manang?" Naabutan ko si manang na nag pupunas ng mga muwebles malapit sa malaking pintuan namin patungong swimming pool.

Dahan dahan niya akong nilingon.

"Manang... sino po ang nagpapasok kay Noah dito?" Tanong ko.

Tinuro niya ang sala. "Pumasok silang dalawa ni Constantine. Nasa sala si Constantine." Ani manang kahit kanina pa ako padaan daan sa sala at wala ni anino ni Stan ang nakita ko.

"Wala po si Constantine sa sala, manang." Sabi ko.

Nagkibit balikat si manang at nagpunas ulit ng vase. Huminga ako ng malalim at bumalik sa pagmamartsa ko patungong kusina.

Nasa counter na iyong niluto ni Noah at napansin kong nilagyan niya iyon ng toppings na sesame seeds. Nakaupo siya sa high chair ng counter at napansin ko ang dalawang nakalatag na pinggan, kutsara, tinidor, baso, at juice. Ngumisi siya na para bang nanunukso sa akin.

"Good morning, miss. Wala ka pang ligo, a?" Panunuya ang nasa boses niya.

"Noah-"

"Don't ask me the same question again, Meg. Kumain na lang tayo. I don't want to waste our time together. I'm free the whole day today. Bukas ay may gig ulit kami mula hapon hanggang gabi. Hindi kita masusundo." Aniya at humalukipkip.

Hindi ko maiwasan ang pagtitig sa kanyang katawan na malayang nakabalandra sa aking harap. I admit it. He's very hot. Ang panatilihin ang pagkakairita at galit ay mahirap.

"Ginamit mo si Stan para makapunta dito? Pasalamat ka at wala ang parents ko!" Galit kong usal.

Hindi siya natinag. Nanatili siyang nakangiti na para bang nawiwili sa pagkakairita ko. "Kunwari ka pang galit, tinititigan mo naman ang katawan ko. Tss."

Nalaglag ang panga ko. Gusto kong mangatwiran ngunit sa iritasyon ay hindi ako makapagsalita.

"Come on, Megan. From now on, kahit anong iutos mo sa akin susundin ko." He offered.

"What is that? Pampalubag loob sa lahat ng nagawa mong pagkakamali sa akin?"

Nagtaas siya ng kilay. "Yes? Partly. The other half is because I'm courting you. Ah! I'm too old for this! I courted you years ago, binasted mo ako. Ngayon,"

Worthless (Published Under MPress)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon