Kabanata 31

1.3M 35.9K 31K
                                    

Kabanata 31

Sick Fetish

Ilang sandali akong hinawakan ng mahigpit ni Noah. Kahit sa mga tanong at salita ni Everlyse ay hindi ko naialis ang paningin ko sa kanyang kamay na nakahawak sa aking pulso. Pinaalis ng mga bouncer ang nanggugulong lasing samantalang naramdaman ko ang ingay galing sa stage.

"Megan!" Naririnig ko ang frustration sa boses ni Joey.

Nilingon ko siya sa pagtataka sa naging reaksyon niya. Saktong paglingon ko ay binitiwan ako ni Noah kaya napalinga ako kung kanino ba dapat nakatoon ang atensyon ko.

"Bakit mo ginawa iyon?" Tumaas ang boses ni Joey na ikinagulat ko.

Natoon ang buong atensyon ko sa kanya at kitang kita ko ang frustration at iritasyon. Malamig rin ang titig ni Warren sa akin ngunit nang tapunan niya ng tinging ganon si Noah ay mas lalo lang akong nalito.

"Joey, don't start-" Pumagitna si Everlyse na agad itinabi ni Joey.

"Nag peperform kami!" Ani Joey sa akin. "Noah! Nag peperform tayo, dude!"

"I'm not blind. Alam ko." Sarkastikong sinabi ni Noah.

"E, alam mo naman pala? Bakit bigla ka na lang umalis!? Ngayon nagtatanong sila kung talaga bang propesyunal tayo!" Sigaw ni Joey. Ngunit sa kalagitnaan ng pagsasalita niya ay tinalikuran kami ni Noah.

"Calm down, Joey." Sabi ni Wella ngunit hindi makalmante si Joey. Kitang kita ko ang pamumula ng kanyang mga mata lalo na nang binalingan niya ako. "This is your fault, Meg."

"Kung bakit ba kasi patay na patay ka kay Noah. You'll do everything to get his attention! Now you got it, I hope you're happy." Dagdag pa ni Warren.

"Sandali nga, ano bang problema ninyo?" Tanong ko habang hinahawakan ang braso ni Warren para mapigilan siya sa pag alis.

Nakita kong kalmado naman si Liam habang kinakausap si Joey. Ngunit iritado si Joey at nagdadabog pa. Nilapitan siya nina Thea at kinausap na rin. I can't find Noah in here too.

"Tatlong scout ang narito para sa gig na ito, Meg. Tinalikuran kaming lahat dahil sa pag alis ni Noah ng bigla sa finale!"

"E si Noah ang pagalitan ninyo, Warren! Bakit kay Meg ang bunton ng lahat?" Pabulyaw na sinabi ng naiiritang si Everlyse.

Bumaling si Warren sa akin at matalim ang kanyang tingin. "Alam mong walang gusto si Noah sayo. Are you that desperate, Meg? Ipapakita mo 'yong dibdib mo sa ibang tao para mabastos ka at makuha ang atensyon ni Noah?"

Suminghap ako sa kaliwanagan sa mga iniisip nila. "Hindi-"

"Alam kong alam mong mahal ni Noah si Coreen. Alam nating lahat iyon. Alam namin dahil nandito kami nong wala ka at alam ko kung gaano niya kamahal si Coreen kaya tumigil ka na sa pagiging desperada! Wala ka ng pag asa! He's in love with Coreen and it's irrevocable! Respect that! Nakakawalang respeto ka."

Imbes na tatapusin ko iyong sasabihin ko ay hindi ko nagawa. Nanuot sa aking sistema ang mga sinabi ni Warren. Nakatayo ako roon na gulat sa lahat ng narinig galing sa kanya. Hindi dahil mahal ni Noah si Coreen kundi dahil ito ang kauna unahang pagkakataon na nagalit siya sa akin ng ganito.

Worthless (Published Under MPress)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon