Kabanata 24

1.2M 33.3K 17.1K
                                    

Kabanata 24

I'm Sure

Natahimik ako at hindi ko alam kung anong gagawin ko ngayong nasa kama ko siya. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko at ang tanging nagagawa ko lang ay ang maingay na pag tikhim.

"Just sleep, Meg. Good night," napapaos ang boses ni Noah nang sabihin niya ito.

Pumikit ako ng mariin at dahan dahang lumapit sa couch. I guess I'll be sleeping here for tonight.

Hindi ako nangahas na lingunin siya. Pinikit ko na lang ang mata ko at ginawa kong unan ang maliit na throw pillow sa sofa. Pinagkasya ko ang sarili ko doon at sinubukang matulog. Nong una ay hindi pa ako makatulog sa kakaisip sa presensya ni Noah sa aking kwarto. And he's naked! Sa nakita kong katawan kanina ay naiisip kong may Greek god na natutulog sa aking kwarto. Nangingiti ako pagkatulog sa gabing iyon. Nevermind the pain. Nevermind all the hurt. Nevermind that he's inlove with someone else.

Kinaumagahan ay halos napatalon ako sa pagkakagising. Naramdaman ko ang kumot sa aking katawan. Nilagay ba ito ni Noah habang natutulog ako? Nilingon ko ang kama at wala nang Noah doon.

Tanaw ko ang sikat ng araw sa labas. Tinanghali ako ng gising. Kinusot ko ang mata ko at tinitigan ang kama kung saan natulog si Noah kagabi. Luminga ako para sa kanyang damit na kagabi ay nakakalat pa, wala na roon.

Kinagat ko ang labi ko at natulala na lang sa kama. I missed him.

Ilang sandali pa bago ako tumayo sa pagkakatulala at nagligpit ng gamit. Pagkatapos niyang matulog sa kama ko ay babalik siya sa kay Coreen. Lumunok ako habang kinukusot ang aking mata. I need to stop thinking and start packing. Huling araw namin 'to nina Everlyse at Carlos bago bumalik ng Maynila.

Pagkatapos kong mag impake ay naligo ako at nagbihis para hanapin na sina Everlyse at Carlos na naroon daw sa restaurant. Bumaba na ako, bahagyang tumigil sa pangalawang palapag at nagbabakasakaling makita o madatnan si Noah, pero wala. Pagkababa ko ng hall ay nakita ko ang iilang guests sa kasal na ginanap kahapon na paalis na doon.

Pinasadahan ko ng tingin ang guests. Or maybe, Noah went home with Coreen already?

Dumiretso ako sa restaurant at natanaw ko na si Everlyse at Carlos na parehong kumaway sa akin at tinuro ang mga pagkain sa harap. Marami silang inorder. Maybe because it's our last day here.

"Meg!" Tawag ni Warren at Joey na naroon pala sa kabilang table at nagkakape.

"Oh, ba't nandito kayo? Don na kayo sa table namin," anyaya ko.

"Paalis na rin naman kami," sabi ni Joey. "Maaga ang alis namin, e."

Tumango ako at nakita ang bagaheng nasa gilid nila.

"How was your sleep?" Ngiti ni Warren sa akin.

"Oh..." Natigilan ako. "Fine."

May kung anong tiningnan si Joey sa kanyang cellphone bago bumaling sa akin at kay Warren.

"Pre, we need to go. Nagtext na si Liam," ani Joey.

Worthless (Published Under MPress)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon