Kabanata 26

1.1M 29.3K 6.6K
                                    

Kabanata 26

Offer

Hindi ko na naabutan si Noah sa labas ng restobar o kahit saan doon. Bigo ulit ako at nakita ko ang simpatya sa mukha ni Joey at Warren pagkabalik ko sa bar.

"Baka may ano..." Naghanap pa ng idadahilan si Joey para lang maging maayos ang loob ko. "May kinuha sa sasakyan."

Kahit na batid kong pampalubag loob lang iyon ay nagawa ko paring umasa. Naghintay kami ng tatlumpong minuto pa bago unti unting nagpasya ang grupo na umuwi na dahil lumalalim na rin ang gabi.

"Meg..." Malaki ang ngisi ni Warren sa akin.

"Hmmm?" Halos hindi ko na alam kung ngingiti ba ako o matutulala.

"Ihatid na kita?" Aniya nang lumapit na sa table namin. Tinapik niya pa ang aking balikat na para bang pinipilit na talaga akong umuwi.

Umiling ako, "Hindi, ayos lang. Pupuntahan ako nina Carlos at Everlyse."

Kumunot ang kanyang noo. "Come on. Wag mo nang abalahin 'yong dalawang 'yon. Let me do it for them."

Tumingala ako sa nag aabang na si Warren sa aking gilid at umiling muli. "Okay lang ako, Warren."

Tumayo siya ng maayos at humalukipkip. "Kung si Noah ba ako at yayayain kitang umalis na ngayon, ihahatid ka, sasama ka ba?"

Nagulat ako sa tanong niya. Ang tanging nagawa ko lang ay ang kumalap ng salitang hindi ko mahanap.

"Oo, diba? Nasa nag yayaya 'yon? Hindi mo ba naisip na maaaring kaya hindi mo makalimutan si Noah dahil hindi mo naman binibigyan ng pagkakataon ang ibang tao?-" Natigil ang kanyang pagsasalita nang narinig ko ang pamilyar na boses ni Everlyse sa malayong dako ng restobar.

"Asan si Megan?" dinig kong tanong ng pinsan ko.

Nilingon ko kaagad siya at tumayo na ako sa kinauupuan ko. Kanina pa nag sialisan ang iba naming kasama. Apat na lang kaming natitira sa table na iyon at kahit si Thea ay umalis na. Tumayo na rin si Wella pagkatayo ko.

Nagtama ang tingin namin ni Everlyse. Suminghap si Warren at agad ko siyang nilingon. Nagkatinginan kaming dalawa.

"Ano, Meg?" Medyo natatawa pa ang bungad ni Everlyse sa akin. "Kamusta?"

Hindi ko muna siya binalingan. Ngumuso ako kay Warren at nakisimpatya sa lungkot niya. "I'm sorry, Warren. Ayaw ko lang na abalahin ka. Tsaka, alam naman nina Everlyse at Carlos na kukunin nila ako ngayon kaya ayos lang iyon."

"Oh, anong nangyari?" Palit palit ang tingin ni Everlyse sa aming dalawa ni Warren.

Umiling lang si Warren at tumikhim. "Meg wants to go home."

Nilingon ko si Everlyse.

"That's why we're fetching her." Nangunot ang kanyang noo.

Nilingon ko si Wella na tahimik at pinapanood ang aming usapan. Nang napagtanto niyang nakatingin ako sa kanya ay tinawag niya ang dalawang natitira at nagyaya na siyang umalis.

"Ihahatid ko si Mara," ani Wella sa akin, may bahid na pag iingat sa mukha na para bang may problema ako kaya dapat ay wala siyang gawing hindi ka nais nais.

Worthless (Published Under MPress)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon