Kabanata 30

1.3M 37.1K 26.8K
                                    

Kabanata 30

Noah Elizalde's

Nagdaan ang ilang araw at pinag kaabalahan ko na naman ang nakokompleto kong mga dokumento. Inayos ko rin 'yong regalo ko para kay Wella at si Everlyse na mismo ang nagsabi sa akin na masyado daw akong dramatic kasi nag handa pa ako ng regalo.

Sasama din si Everlyse at Carlos sa night out na plano ni Wella para sa kanyang birthday kaya isang sasakyan lang ang dadalhin namin. It's an all girls night out pero dahil inseparable ang mag nobyong si Everlyse at Carlos ay exempted silang dalawa.

"Cheers!" Sabay sabay naming pinagtama ang mga shot glass at nag bottoms up.

Sa Tilt, iyong restobar na pinuntahan namin ay tutugtog din ang Zeus. But we didn't prepare banners or shirts because we're here for Wella's birthday. Wala pang tumutugtog na banda at medyo rock and pop music pa ang nasa mga stereo. Hindi ko mapigilan ang pagsabay sa music.

"Sana ay magsimula na iyong music night nila nang sa ganon ay diretso na sa party." Halakhak ni Everlyse.

Parehong napatingin si Thea at Mara sa kanya na para bang may mali itong sinabi.

Ngumiti at umiling agad ang aking pinsan. "Oh don't get me wrong! I mean, I like Zeus but I like party music better. We're here to have fun and that's my kind of fun."

Siniko ko si Everlyse. Napapasama lang naman siya sa grupong ito dahil sa akin. But then she's also friends with Wella. Hindi nga lang siya fanatic ng Zeus tulad namin kaya hindi ko siya masisisi.

"May kailangan pa ba kayo?" Tanong ng isang pamilyar na babae habang nilalapag ang iilang bote ng beer.

Namataan ko ulit ang isang pamilyar na mukha. Now, I can't be wrong. This is Leonore Batungbakal, Rozen's whatever. Nang nakita niyang nakatitig ako sa kanya ay nag iwas siya ng tingin na para bang naiilang sa akin.

"Uhm, actually Leonore, I'd like some Jack Coke." Sabi ko.

Napatingin si Everlyse sa akin, nag tataka sa pangalang binanggit ko. Napalingon siya kay Leonore. Si Carlos ay tahimik sa kanyang tabi at nag hiheadbang ng kaonti sa tunog na nanggagaling sa stereo.

"You can call me Elle." Medyo naiilang na sambit ni Leonore.

"Oh, thanks for the info. Your name sounds medieval." Ngisi ko na agad akong siniko ni Everlyse. Pinilig ko kaagad ang ulo ko nang nakita kong mas lalong nailang si Leonore o Elle.

"'Yon lang ba ang order?" Tanong niya.

"Make it three shots of Jack Coke." Wika ni Everlyse.

Tumango si Leonore at umalis.

Nagkatinginan kami ni Everlyse. I know what's going on her mind. Nagkibit balikat ako.

"Through Rozen. He dated her. I don't know. Kilala mo 'yon, kahit na sino..." Sabay tingin ko sa paligid na unti unti nang dumarami ang tao.

Bahagyang umingay sina Wella, Thea, at Mara dahil sa gwapong nakitang pumasok sa bar. Panay pa ang halakhak nila dahil tingin nila ay bisexual iyon. Gusto ko sanang makisali sa tawanan kaso hindi pa tapos si Everlyse.

Worthless (Published Under MPress)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon