Kabanata 17

1.2M 29.1K 9.2K
                                    

Kabanata 17

He'll Fall

Hindi agad iyon naproseso ni Everlyse. Matawa tawa pa siya at pakurap kurap nang kinumpirma ulit sa akin iyon.

"Aalis kami. Titigil ako sa pag aaral. Kailangan para sa kompanya," sabi ko.

"Kailan ang balik niyo?" Nagtaas siya ng kilay. Hindi niya naintindihan ang ibig kong sabihin.

"I don't know." Iling ko. "Maybe in three or four years. i can't tell."

Nalaglag ang panga niya habang hawak hawak pa rin ang tray ng juice. Parang tulad ko ring hindi makapaniwala. "What about Noah?" iyon agad ang naitanong niya.

Bumuntong hininga ako, "We're too young, anyway-"

"Sasabihin mo ba ito sa kanya?"

"Naduduwag ako."

Nagkatinginan lang kami ni Everlyse. Hindi makapaniwala si Everlyse sa sinabi ko sa kanya. Gusto pa niyang mag usap kami kaya lang ay dumating ang kanyang kambal, nakangisi.

"Ano? Ihahatid mo ba 'yong juice, sis or not? They are thirsty." Sabi ni Stan sa kakambal habang kumukuha ng isang baso at nagsalin ng tubig na hindi galing sa ref. "Come on." Uminom siya at nagtaas ng kilay sa katahimikan.

"Lalagay ko lang 'to sa sala," sabi ni Everlyse at pumanhik na samantalang tumitig lang ako sa basong ininuman ko kanina.

Kita ko si Stan sa gilid ng aking mga mata na nakatitig rin sa akin habang sumisimsim ng tubig. "What happened to the the jolly Megan? Bakit mukhang malungkot?" humagikhik pa siya.

Sinubukan kong ngumiti pag angat ko ng tignin sa kanya pero siguro ay nagmukha lang iyong plastik na ngiti. Naglipat ng tingin si Stan sa likod ko at nagulat ako nang dumating si Noah, nakipag high five sa kanya.

Shit!

"Water?" Nagtaas ng kilay si Stan kay Noah.

Tumango si Noah at kumuha ng baso.

"Well..." Nagkibit balikat si Stan at nakangising asong umalis.

Gumalaw ako sa highchair, umaambang aalis din. I don't want to face the problem yet. Kung masasaktan ko lang din naman si Noah ay mas mabuting ipagpaliban ko na lang muna. Hindi ko pa kaya.

Lumapit siya sa akin bago pa ako makababa ng highchair. Hinawakan niya ang high chair at ang counter kaya naikulong niya ako sa kanyang braso. Nanlalaki ang mga mata ko habang tinititigan siyang ganito ka lapit.

"Noah..." nag iwas ako ng tingin.

"Are you feeling better?" Malambing ng bulong niya sa akin.

"Yeah..." halos hininga ko lang iyon.

"Nag alala ako," mas lalong malambing niyang sinabi. "You didn't even text me."

"Sorry. Sobrang sama kasi ng pakiramdam ko kaya ganon. Medyo matagal akong nagising."

Nilagay niya ang kanyang daliri sa aking baba para maiangat ang titig kong kumakawala sa kanya. Nagkatinginan kami. Nanliit ang mga mata niya nang nakitang nahihirapan akong magtagal sa pagtingin sa kanya.

Worthless (Published Under MPress)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon