Chapter XXXII - 2 Months After

8.5K 102 22
                                    

Sorry kung matagal akong 'di nakapag-UD. May klase na po kasi. Waa. 


Malapit na ang 24/7 In Love. Ngayong November 21 na. I'm encouraging everyone to watch kahit Kimerald movie yun. Let's support Kim. Manood tayo para sa kanya. Kasi that's what a real fan should do.


Sige po, basa na. Sorry kung walang kwenta 'tong UD ko na 'to. Babawi ako next chapter.


-Mia








KIM’S POV

 

Dalawang buwan na rin pala mula ng iniwan ko ang Pilipinas. As of now, okay naman na ako. Natanggap ko na sa sarili ko na may mga bagay na hindi nakalaan sa atin. No bitter feelings for Xian kasi I deal things in a mature way. Siguro nga naglihim siya, pero nu’ng araw na umalis ako, napatawad ko na siya. Aaminin kong hanggang ngayon, mahal ko pa rin siya. Hindi naman kasi agad mawawala yun.

Maayos naman ang buhay ko rito sa New York, sa tulong na rin ng mga kapwa Filipino ko rito. Nagtatrabaho ako ngayon as part time real estate broker. May isang Pinoy kasi rito na ganu’n ang trabaho. Tinulungan niya akong makapasok sa tinatrabahuan niya. I earn well here. Sa bagay, sanay naman ako sa hirap mula nung nag-college ako.

Maya’t maya ko pa ring naiisip si Xian. Ni minsan, hindi nabawasan ang pagmamahal ko sa kanya. Ngayong buwan na sana kami ikakasal sa simbahan. Nakakalungkot isipin. We were so in love then. Pero noon yun. Sa tingin ko, nakapagmove on na siya. Nakapagmove on na rin naman ako kaso nga lang, a part of me is still hoping na in the end, kami pa rin.

Haii naku. Tama na nga yang dramang yan. Nakakarindi eh! Anyway, day off ko ngayon. Kaya plano kong mamasyal ng bonggang bongga para naman ma-relieve ako sa stress.

“Mamang. Aalis po muna ako. Magsa-shopping ng konte.”

 

“Oh sige hija. Have fun!”

 

Si Mamang. 50 years old. 25 years na raw siya rito sa New York. May tatlo siyang anak sa Pilipinas. Ang panganay niya ay medyo matanda lang sa akin ng ilang taon. Siya ang mommy naming lahat dito. ‘Pag humingi ka ng payo sa kanya, talagang maliliwanagan ka. Siya rin nga pala ang tumulong sa akin makahanap ng matitirhan. Nagkasabay kasi kami sa bus nung pagkarating ko rito. Buti na lang at napansin niyang Pilipina ako. Isa siya sa mga nakakaalam ng tunay na rason kung bakit ako nandito. Sabi niya pa nga, time heals all wounds. ‘Wag ko raw pilitin ang sarili kong pahilumin ang sugat kasi mas mahihirapan ako.

Heto ako, naglalakad-lakad. Malapit na pa lang mag-Pasko. Kaya nagsisimula ng lumamig at umulan ng niyebe rito. Gusto ko ng umuwi. Pero I need a guiding force para makumbinsi akong bumalik sa pinanggalingan ko. 2 months na rin kaming hindi nag-uusap ng pamilya ko. Ayoko kasing makarinig muna ng kahit anong balita lalo pa’t alam ko na na kay Achi pala nakatakdang ikakasal si Xian. Mabuti na yung pag-uwi ko, eh kasal na sila para naman wala na akong  magagawa pa. At tsaka ayoko ng lumaban pa, kasi alam kong kahit ipaglaban ko, matatalo pa rin ako.

Whirlwind Romance (KimXi Fan Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon