Chapter XXVII - Wishes

9.3K 100 14
                                    

Vote. Comment. Be a fan! <3


Hello readers. Alam niyo, sobrang lungkot ko ngayon. Kasi hindi ako nakapasok sa Dean's List dahil sa Math 3 - College Algebra grade ko. Matataas naman lahat ng grado ko. 2 pataas lahat. Maliban du'n sa Math 3. 2.25 ang grade ko. Hindi na lang talaga ginawang dos ni Ma'am Nasie para nakapasok ako sa honors list. Nakakalungkot. Sa tanang buhay ko, ngayon lang ako hindi ma-o-honor. :'((( Pasensya na po. Dito ko na lang ilalabas lahat. Wala naman kasing makikinig sa akin sa real world eh. Sayang. Sobrang sayang. I did my best pero AAAAAAAAAAAAAAAHHHHH! :'( Ang saklap. Ang pangit na ng transcript ko. Balak ko pa namang maging cum laude. Pero paano na?! Wala na. Sinira ng Math 3 na yan. Huhu. Sana may himalang mangyari. Yan ang wish ko ngayon. :'(


In another way around, may good news. Nagkita kami nu'ng pinakamamahal ko. This time, medyo nakapag-usap na kami at nakapagbonding na rin. He's sweet than ever. Nai-in love na naman ata ako sa kanya. Nagmo-move on na ako kasi iba na yung situation ngayon. Magulo na. Ang dami ng nakikisawsaw. Choss. Share lang po. 


Sige, tapos na ang sharings ko. Alam ko namang 'di niyo rin binabasa. Kaya gora na. Basa na kayo. Sana po magustuhan niyo.








KIM’S POV

 

It’s good to see my sister after how many years. Grabe, this week, parang ang saya ng mga nangyayari sa akin. Sana magtuloy-tuloy na. I don’t wanna handle problems kasi all my life, I’ve been dealing with different circumstances. Nakakasawa na rin. Napapagod na ako. Gusto ko, this time, sarili ko naman ang intindihin ko. I know that life can never be perfect pero I still aim for it. Walang masama kung susubukan.

Ilang sandali na lang, lalaya na si Papa. Hindi ba’t ang gandang balita nito. I’m happily married, my husband loves me, I love him too, I’ve seen my sister after a long time and now, my dad will be freed from imprisonment. Makakapagsimula na kami ulit. Eto naman talaga ang gusto ko eh, ‘yung maging okay ang lahat. Ayokong nahihirapan ang pamilya ko.

“PA!” Biglang sumigaw si Achi. Napatingin ako. Si papa nga. Ewan kung anong enerhiya ang nagtulak sa akin papalapit sa kanya. Yakap-yakap ko siya ngayon. Tuluyan nang tumulo ang luha mula sa mga mata ko. Tears of joy ito. Sa ginawa ng mga Lim Uy para sa papa ko, habambuhay ko ito tatanawing utang na loob.

“Pa, naa na jud ka! Abi nako, ‘di na ka kagawas diri. Na-miss taka, Pa. Lipay kayo ko nga okay na ang tanan” Hindi ko mapigilan ang emosyong bumabalot sa akin ngayon.

          Pa, nandito ka na talaga! Ang buong akala ko, hindi ka na makakalaya pa mula rito. Na-miss kita, Pa. Masayang-masaya ako dahil okay na ang lahat ngayon.

 

“Salamat, labi na jud sa imuha. Pero, paunsa nimo nahimuag paagi? Aha ka nakahulam ug kwartang pampiyansa nako?”

Whirlwind Romance (KimXi Fan Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon