Chapter XLI - After the Wedding

9.3K 108 10
                                    

Hello guys! 2nd to the last chapter na po ito. Then Epilogue na. Mami-miss ko ito. Pero may bago akong story. Nalilito nga ako kung ano ang uunahin ko. Yung KimXi Fan Fic ba or Non Teen Fic. Haha. Bahala na. 


Guys, favor. Paki-follow po ito sa Twitter: @kimxi_gensan


Happy birthday sa friend kong si Ariel Litigio and tita kong si Tita Leila. :) 


Have a happy Sunday guys. Don't forget to visit the Church. Today is the HOLY FAMILY SUNDAY and the LAST SUNDAY OF THE YEAR. Let's not forget to thank the Lord for showering us blessings throughout the year. God bless us all! 




-Mia









KIM’S POV

 

Natapos na rin ang kasal at ang reception. Hindi ko akalaing hindi lang pala yung kasal ang surprise. Pati na rin pala yung reception. Nagpalipad kami ng isang libong lanterns, kasunod naman ang pagpapaputok namin. I wasn’t really expecting. Kasi ni hindi ko lang man siya nakitaan ng signs na pinaplano niya pa pala ang kasal namin. Akala ko kasi, mula nung iwan ko siya, tinigil niya na ang planning. Hindi lang nagtapos du’n. Inabutan niya pa ako ng susi. Siyempre, nagtaka naman ako kung para saan ang susing ‘yun. Hinila niya ako palabas ng reception area at dinala sa parking lot. Nakaparada du’n ang isang silver Audi A5 na may nakakabit pang ribbon. Oh ‘di ba, parang debut ko lang. Sa sobrang pagkagulat ko, nayakap ko siya ng napakahigpit. Absent-mindedly, nakasunod pala sa amin ang mga videographer at photographer. ‘Yun daw ang wedding gift niya sa akin. Ang sabi ko naman, hindi niya kailangang mag-abala pa, kasi the fact na siya ang napangasawa ko, isang napaka-engrandeng wedding gift na nito.

Matagal ko na kasi gustong bumili ng bagong sasakyan eh kaso, parang hindi ito practical. I feel so lucky being his wife. Akalain mo bang maging ang parents ni Xian, may regalo rin sa amin. Inabutan ako ng dad ni Xian ng isang ang pao (A/N: Eto yung pulang sobre na nilalagyan ng pera ng intsik.). Agad kong binuksan ito. Akala ko, pampabuenas lang na pera. But to my surprise, it’s a ticket for two for a European Cruise. Habang si Mommy Ann naman, isang necklace ang ibinigay. Binigay pa raw iyon ng lola ni Xian sa kanya nang magpakasal sila ng Daddy nito. Utos ng lola (A/N: Asawa ni Angkong) ni Xian, ibigay raw ito sa kung sino man ang mapapangasawa ng apo.

Nag-bonding kami saglit ng mga kapatid at parents ko. Hindi na namin inungkat pa. My mom said na she will stay for good. At kung ano man ang reason niya kung bakit siya umalis, hindi na namin tinanong pa. Everything was perfect. I never thought na magiging ganoon kasaya ang mismong wedding day ko. Tama nga ang sabi nila, there will always be a rainbow after the rain.

Whirlwind Romance (KimXi Fan Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon