Chapter XIX - Umagang Kay Ganda

11.5K 125 14
                                    

Sorry if ngayon lang ako nakaupdate. Heartbroken ako the past few days eh. Pero ngayon, okay na. Sa awa ng Diyos. :'>


Dedicated sa mga ka-block ko. Go Block C! Ang ganda na ng performance niyo kanina sa rehearsal. You made me proud! Keri na yan!


Happy birthday sa pinsan kong si Patrick. :)


Here, basa na guys!



KIM’S POV

 

Napasarap ang tulog ko ah! Napagod ata ako ng sobra dahil sa dinner ko with the Lim Uy Family. Ang saya nila kasama. Kaya parang nae-excite na rin akong maging isang Lim Uy. Kasi isa sa mga frustrations ko is magkaroon ng isang masayang pamilya. ‘Di yun nabigay ng mga magulang ko sa akin eh that’s why inggit na inggit ako sa mga kaklase ko nung college na tuwing Linggo, sabay-sabay silang magpamilyang nagsisimba. Samantalang ako, wala, nag-iisa. Those were the days. Pero dahil naman du’n, mas naging responsable akong ihandle ang mga bagay-bagay. Aba, akalain mo yun, alas-otso na pala! ‘Di bale, wala namang trabaho for a month! Hell yeah! Stretch, stretch, stretch! Wow! Mr. Sun is up. What a beautiful morning! Masyadong busy ang kalsada ngayon ah. Habang ako rito, masyadong relax! This is life!

Pero nakakapagtaka. Ang natatandaan ko, nakatulog ako sa sasakyan ah. Paanong naabot ako rito?! Ah, baka tinulungan ako ni Xian makaakyat dito sa unit ko.  Sa tuwing naiisip ko siya, bigla akong napapangiti kahit wala namang dahilan. May pagka-hopeless romantic din kasi yung lalakeng yun kaya nakakatuwa. Aakalain mong nabuhay siya nu’ng kapanahunan pa ni kupong-kupong sa sobrang pagka-tradisyonal magkikikilos.

Makapagluto na lang nga ng agahan. Hmmn. Ano bang masarap lantakan? Yeah. Tama. Pancakes tsaka bacon. That would be perfect. Eh bakit may naaamoy na akong pagkain? O.o Oh my, gutom na talaga ata ako kasi kung anu-ano na ang naaamoy ko. Naghi-hysterical ang utak ko. Pero hindi eh. Talagang may naaamoy ako. Matignan nga!

*blaaaagsh*

Hala! Ano yun?! Bakit may ganu’ng tunog. Parang may nahulog na kung anong kubyertos sa kusina. Lord, help! May magnanakaw ata! T.T

“XIAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAN! BAKIT KA NANDITO!?”

 

Bakit nandito ‘tong lalakeng ‘to! Oh my! ‘Wag niyo sabihing sinuko ko na ang Bataan? NOOOOOOOOOOOOO! Halos atakihin ako sa puso dun ah! Automatic na napapulupot ang mga kamay ko sa buong katawan ko! Naku! Paano na ‘to! Hindi! Hindi pwede. Matagal ko na ‘tong pinangangalagaan tapos makukuha niya lang basta-basta?! Diyos ko, ano po bang nagawa ko! Nawa’y patawarin niyo po ako!

“Walang hiya ka! Bakit ka nandito! Pinagkatiwalaan kita tapos gagaguhin mo ako! Ang sama-sama mo Xian! Nakakainis ka! ‘Di porket pumayag na akong magpakasal sa’yo, pwede mo na akong pagsamantalahan! Wala kang kwenta! Diyos ko po! Paano na ‘to! Sabi ko pa naman sa sarili ko, ibibigay ko lang ‘to sa taong mahal ko. Pero ano na?! Wala na. Wala na ang lahat. Sirang-sira na ang pagkababae ko!”

 

Humihikbi ako sa sobrang inis! Nakakaasar. Nakakabwiset siya! Paano niya nagawa sa akin ‘to? Akala ko pa naman iba siya sa mga walang kwentang lalake. Pero pare-pareho lang din naman pala sila! Mga bastardo. Mga inutil. Mga salot ng bayan!

Whirlwind Romance (KimXi Fan Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon