Chapter V - Just A Kiss

14.2K 154 27
                                    

1000+ reads na! Yahoooo! Ang saya ko. Sobra. Kahit pagod ako mula sa chorale practice namin, pinipilit ko pa ring mag-update. :D Maraming salamat po sa mga bumoto at nag-iwan ng komento. <3

Ayan, update ulit. Lagyan ko kaya ng konteng kahalayan este kalandian ang scenes? HAHAHA! Vote lang po ng vote. :) Pampa-motivate magsulat. Pakinggan niyo yung JUST A KISS, isa yun sa theme song ng KimXi eh. Tsaka relate yun sa mangyayari ngayon.  

-Mia

KIM’S POV

Yun na nga, isang kwarto raw kami ni Xian matutulog. Awkward! ‘Di naman kami gano’n ka close tapos sa iisang room lang kami matutulog? Siyempre, bawal yung tabi sa kama no! May girlfriend nga yun ‘di ba? Pero kung single siya, why not!? HAHAHAHA! Hindi, loko lang. Kayo talaga.

Nauna na akong nagshower. Buti nalang, may extra t-shirt akong dala. At least, may pampalit ako. Medyo tumagal ako sa paglublob sa bathtub. Approximately 45 minutes ata? Wala lang, feel ko lang na magbabad ng magbabad.

Ang daming tumatakbo sa isip ko. Nakakapagtaka. Kasi special ‘tong lugar na ‘to kay Xian. Pero bakit niya ako dinala rito? Ilusyonada ko rin naman. Parang gusto kong bigyan ng meaning. Pero ‘wag na lang nga. Ayoko kasing umasa. I don’t wanna experience this thing called ‘heartbreak’.

Naisip ko rin, naging sobrang busy ako sa mga iba’t ibang bagay. Pagbabanat ng buto para sa pamilya ko, paggawa ng kung anu-anong designs at pagsulba sa mga problemang ‘di naman sana ako ang gumagawa ng paraan. Masyado akong naging busy para sa iba. Nakalimutan kong minsan, kailangan ko rin palang asikasuhin ang sarili ko.

Sana dumating yung time na ako na naman yung pag-aaksayahan ng panahon. Yung tipong ako na naman yung e-effort-an. Yung hindi na ako mapapagod sa kakaisip kasi may taong kasangga ko na sa kung anumang mangyari.

Sabi nga nila, God has perfect timing. Never early, never late. It takes a little patience and faith but its worth the wait. Kaya I never questioned kung ano mang nangyayari sa akin ngayon. Sana makaya ko lahat ng pagsubok ahead of me.   

Nung medyo nilamig na ako, saka ko na naisipang umahon. Kukuha na sana ako ng tuwalya ko pampunas nang ‘di ko napansin na bumuhos pala yung shampoo at natapakan ko.

BLAGADAG! (A/N: assuming nay an yung tunog nung bumagsak si Kim. HAHAHA! Sorry, palpak ako sa mga sound epeks chever eh. –Mia)

“ARAAAAAAAAAY!” Napasigaw ako! Ang sakit kaya. ‘Di pa ako makatayo. Bumagsak yung pwet ko sa sahig! Naku po! Paano na ‘to! Sobrang sakit! Feeling ko, nagkandalasug-lasug ang mga parte ng balakang ko eh!

“Kim, are you alright? Buksan mo ang pinto. Papasok na ako ha?” Kumatok si Xian ng pagkalakas-lakas! Yari ako nito! Naku po! Wala akong saplot sa katawan! Pinipilit kong abutin yung towel pero ‘di ko talaga maabot!

Whirlwind Romance (KimXi Fan Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon