Chapter 13

7 1 2
                                    

The awakening of the lord of Chromonium


"Mahal, Malapit ng lumabas ang mahiwagang buwan" malambing na wika ni Eros

May paniniwala kasi na kapag ang magsingirog ay nangako sa ilalim ng mahiwagang buwan ito ay magtatagal ng panghabangbuhay o kahit ata sa kabilang buhay at susunod na buhay ay sila pa rin ang magiging magkasama.

"Oo nga nanabik na ako sa mga pwedeng mangyari, mangangako tayo sa harap ng mahiwagang buwan sa harap ng dyosa ng wagas na pagmamahalan. Ito ang pinaka espesyal na mangyayari sa ating buhay. Bukod sa ating kasal." Masayang sagot ni Claria

"Kahit anong mangyare mahal kita tandaan mo yan. Kahit na ikamatay ko ay ipaglalaban kita. Kahit na mabuhay ako sa susunod pang heneraayon ay ikaw lang ang aking mamahalin." Bakas sa tinig ni eros ang labis na pagmamahal sa kaniyang sinisintang si claria.

************

"Mahal kita Claria, at nakatakda na tayong ikasal" Paliwanag ni Crono sa Binibining si Claria

Si Claria ay isang prinsesa, ang prinsesa ng kaharian ng Ercadia. Nakatakda silang ikasal ni Crono sa susunod na linggo sa ilalim ng pulang buwan. Ngunit, hindi ito gusto ng dalaga kaya tinanggihan niya ang kasal.

"Walang kasal na magaganap Crono, hindi ako magpapakasal sa iyo." Malamig na sambit ng dalaga at iniwang nakatulala ang binatang si Crono.

"Mapapasaken ka Claria, Akin ka lang at sisiguraduhin kong hanggang kamatayan ay tayo ang magkakatuluyan." Sumpa ni Crono sa sarili at saka ngumisi na para bang isang demonyo

Sa kabilang banda ay naroroon sa may batis ang anak ng isang magsasaka na nagngangalang Eros. Kanina pa ito naghihintay sa kaniyang kasintahan na isang prinsesa. Maya maya pa ay dumating na ang kaniyang hinihintay at lumuluha ito at pugtong pugto ang mga mata.

"Nais nila akong ipakasal kay Crono mahal ko" Lulumuluhang sambit nito

"Anong gagawin natin Claria? Ayokong mawala ka sa akin." Malungkot na tugon niya sa tinuran nito

Mahigpit nitong hinawakan nito ang kamay niya at saka muling nagsalita.

"Mahal ko, tatakas tayo. Pupunta tayo sa mundo ng mga mortal at doon mamumuhay tayo ng tahimik at normal"

Napangiti ang binata sa plano ng kaniyang kasintahan. Ito naman talaga ang gusto nito, ang mabuhay ng tahimik at normal na malayo sa gulo at mahika.

"Kailan tayo aalis? " masayang tanong ng binata

"Sa susunod na linggo, bago maging pula ang buwan ay magkikita tayo rito." Masayang sambit ng dalaga

Agad niya itong niyakap at hinaplos haplos ang buhok nito. Sa wakas ay makakapiling niya na ito ng permanente at panghabangbuhay.

*******

Nagtungo ang prinsipeng si Crono sa kakahuyan at hanapin ang pinakakilalang Mahiko. Ang mga mahiko ay ang mga taong nagmula sa netherworld at sila ang makakapangyarihang may hawak ng itim na mahika na ipinagbabawal dito sa Ercadia.

Nagpalinga linga ito sa paligid hanggang sa marating niya ang isang liblib na lugar at napatigil siya sa isang maliit at lumang kubong nasa harapan niya. Agad naman siyang sinalubong ng isang matandang babaeng may kakaibang awra at nakakakilabot na itsura, maliit ito na kuba na dala ng katandaan, itim na itim na rin ang bungi bungi nitong ngipin, may kulot na magulong buhok ito, at itim na nanlilisik na mga mata.

ChosenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon