Chapter 11

3 1 0
                                    

Dahan dahan kong inilabas ang limang Brilyante na ibinigay sa akin ng libro. Nakalutang ito ngayon sa harap ko na para bang naghihintay ng hudyat ko. Ikinumpas ko ang kamay ko at agad naman itong nagsi lapitan sa mga kaibigan ko.

Ang mga Diyamante ay nakatapat sa kanila ng mayroong dalawang dangkal na pagitan mula sa kinatatayuan nila. Magsasalita na sana ako ng may marinig akong tinig na mula sa hangin.

"Isa isa mong tawagin ang mga brilyante"  Bulong ng hangin sa akin na agad ko namang sinunod. Tumayo ako sa harap ni Wave na una kong nilapitan.

"Ang asul na brilyante ay sa iyo lumapit Wave, Dahil alam nito na may dalisay ka na puso at may purong kabutihan ang dugong nanalaytay sa iyo. Nawa ay ingatan at gamitin mo sa tama ang brilyanteng ipinagkaloob ko sa iyo na may buong puso. Huwag mo sanang sirain ang aking tiwala" Nakangiting sambit ko rito

Tumango ito at saka yumuko ng ilamg segundo at nang itaas niya ang kanyang kamay ay kusang lumapit ang Brilyante rito. Nang hawakan niya ito ay unti unting nag iba ang kulay ng mga mata at buhok niya na ngayon ay kulay asul na. At suot niya na ang kwintas na may palawit na brilyanteng kulay asul.

Sumunod naman akong lumapit kay Cordia.

"Ang brilyante ng kalangitan ay sa iyo napunta Cordia, dahil tulad ng kalangitan ikaw ay may payapa na puso ngunit kapag napuno ito ay nagwawala ito sa galit. Inaasahan kong iingatan mo ang ipinagkaloob sayo at tatanggapin ang responsibilidad na kalakip nito." Masayang wika ko rito

Itinaas niya ang kamay niya at nang mahawakan niya ito ay unti unti naging violet ang mga mata nito pati na rin ang buhok nito. Nagkaroon ito ng headband na gawa sa Brilyante at gilid ng mata niya ay nagkaroon ng maliliit na kristal at ang kwintas na may pendant ng brilyanteng napasakamay niya.

Sunod kong nilapitan ay si Caleb.

"Ang Diyamante ng lupa ay napasaiyo Caleb, dahil ikaw ay matapang at maraming tinatagong kakayahan tulad ng lupa. Nawa ay ingatan mo ang ipinagkaloob ko siya at tanggapin mo ng buong puso ang responsibilidad na kasama nito"
Masaya kong wika rito

Itinaas niya ang kanyang palad at lumapit ang brilyante sa kanya. Dahan dahan naman niya itong hinawakan at tulad ng iba ay nagbago rin ang kulay ng kanyang mata at buhok naging kulay brown ito. At nagkaroon rin siya ng kwintas na may palawit na brilyante.

Sumunod kong nilapitan ay si Cylome.

"Ang diyamante ng mga halaman at ng mga bulaklak ay napasaiyo Cylome, dahil tulad nila ay may busilak kang puso at makakatulong ka sa pagpapagaling ng mga may karamdaman. Tanggapin mo ang ipinagkaloob ko sa iyo kasama na ang responsibilidad na kadikit nito." Masaya kong wika sa kanya

Itinaas niya ang kanyang palad at napasa kamay niya ang brilyante na kulay pink, nagbago rin ang kulay ng kanyang buhok at mata na kakulay ng brilyante. Habang ang mga buhok niya ay nagkaroon ng maliliit bulaklak na nakasabit sa bawat hibla ng buhok nito.

At ang pinakahuli sa kanila ay si Raeon.

"Ang brilyante ng apoy ay napasaiyo Raeon, dahil tulad nito naglalagablab ang tapang at determinasyon na dumadaloy sa iyong buong pagkatao. Tanggapin mo ang ipinagkaloob sa iyo kasama na rito ang responsibilidad na nakaatang sa iyo." Nakangiting wika ko rito

Itinaas niya ang kamay niya at tinanggap ang pulang brilyante at mas lalong naging pula ang buhok nito at ang mga mata nito. Nagkaroon din siya ng kwintas na may palawit na brilyanteng natanggap niya.

"Binabati ko kayo! Ang mga bagong bayani ng Ercadia" Masayang bati ko sa kanila

Sabay sabay naman silang nagbow sa akin at bigla na lamang kaming nagyakapan na anim. At bakas sa mga mukha nila ang galak at saya. Nang maghiwa hiwalay kami ay biglang may nagsalita.

"Binabati ko kayo! " pagbati nito at nagulat kami ng nilingon namin ito

"Empress?" Sabay sabay naming tanong dahil sa gulat

Tumawa naman ito at saka nagsalita.

"Dahil natanggap niyo na ang mga brilyante na ipinagkaloob sa inyo nais ko lamang ipaalam na tinanggal na kayo sa High Class"  anunsyo nito

"T-teka bakit po?" Nagtatakang tanong ko

"Dahil kayo ay opisyal na parte na ng Ercadia. At ngayong hawak niyo na ang mga brilyante ang tanging kailangan niyo na lamang gawin ay mag ensayo. Bukas na bukas din ay hindi na kayo papasok sa regular ninyong klase. At dahil hindi na kayo regular na estudyante rito, Doon na kayo titira sa bahay na malapit sa batis. Mas mainam na sama sama kayo upang mas makilala niyo pa ang isa't isa. At bukas ay ipapakilala na kayo sa lahat ng estudyante dito sa Ercadia University. Malinaw ba?" Pagpapaliwanag nito sa amin

"Kelan po kami lilipat?" Excited na tanong ni wave

"Ngayon din. Andon na lahat ng gamit ninyo kaya maari na kayong tumungo roon" huling wika nito at sa isang iglap ay naglaho ito sa harap namin.

Agad naman kaming naghawak hawak kamay at tinungo ang bago naming titirhan. Nang makarating kami roon ay agad kaming namangha sa paligid. Ngayon lang namin napansin ang bahay na ito na nasa likod lamang ng regula dorm namin.

Isang bungalow type ang bahay na ito. Gawa ito sa matitibay na kahoy at mayroon itong terrace na gawa rin sa kahoy. Sa loob ng terrace ay may lamesang gawa sa kahoy na may anim na silya at mukhang pinasadya ito para sa amin.

Dahil gabi na ang batis na katabi nito ay umiilaw ng kulay asul at nagniningning katulad ng mga bituwin sa kalangitan at ang nasa gilid nito malaking puno ng baleta ay iniilawan ng mga alitaptap at mga naglalarong fairies.  Ang buong paligid nito ay punong puno ng magagandang bulaklak na kumikinang ang mga kulay dahil sa liwanag ng buwan at bituwin.

"Omygod! Ang ganda naman ng bahay na ito" masayang sigaw ni Cordia

"Nanaginip ba ako?" Bulong ni Caleb sa sarili

Inaya ko naman na silang pumasok at bumungad sa amin ang isang simpleng living room na gawa rin sa kahoy ang mga muebles. At sa kabilang gilid nito ay may lagusan na siguradong patungo sa kusina. Habang sa kabila naman ay may dalawang pinto. Ang isa ay kulay asul ang isa naman ay kulay pink. At alam na namin kung anong pinto ang silid namin.

Dahil gabi na rin at pagod na ang lahat ay nag ka ayaan na kaming magpahinga at bukas na lamang kami magkwentuhan. Napagdesisyonan din namin ang mga magluluto dahil hindi na kami sa cafeteria kakain dahil may sarili naman na kaming kusina. Sa umaga ay ako at si Raeon ang magluluto dahil kami ang maaga magising, sa tanghali ay si Caleb at Cylome, at sa gabi ay si Wave at Cordia naman.

ChosenWhere stories live. Discover now