Chapter 2

12 2 0
                                    

Nagmamadali akong maglakad pabalik sa aking dorm ng biglang may humarang sa daanan ko.

"Hey newbie!!" Sigaw sa akin ng isang babaeng pink ang buhok at itim ang mga mata


"Hi!" Masiglang bati ko rito at naglakad na uli palayo ng bigla niyang hilahin ang buhok ko. Napapikit ako sa sakit at pagkabigla.

"Bitch walang sino man ang pwedeng tumalikod sa akin. Di mo ba ako kilala?" Galit nitong sigaw  sa akin at saka binitawan ang buhok ko


Humarap naman ako sa kanya

" I see, might as well tell me who you are then?" Nakataas ang kilay na saad ko rito while giving her my devil smile.

"Walang sino man ang pwedeng humila ng buhok ko.Not even a filthy brat like you" Dagdag ko pa ng may diin sa salitang Filthy brat. Akala niya ata aatrasan ko siya.

Napatingin ako sa paligid at nagkukumpulan naman ang mga estudyante sa paligid namin ang iba ay masamang tingin ang binibigay sa akin ang iba naman ay nakangiti na parang gustong gusto nilang nilalabanan ko ang brat na ito.

"aba't ang lakas ng loob mo ah! Total mabait naman ako lalo na sa newcomer na katulad mo magpapakilala ako sayo ako si IRENEA  ako ang susunod na reyna ng Ercadia." Mayabang nitong pagpapakilala.

I smirk.


"The hell I care? Talk to the air brat."  I calmly said and roll my eyes. Saka ko siya tinalikuran at nagmamadaling tumungo sa dorm namin ni cylome.

Wala akong panahon para makipagbangayan sa tulad niyang brat at kulang sa pansin.

Nakabalik ako ng dorm at wala na doon si cylome ibinaba ko agad ang box na hawak ko at saka ito binuksan at nanlaki ang mata ko dahil sa nakita ko.


Isang lumang libro ang laman ng box na ito at Isang white long dress na parang ancient greek ang dating.At isang sulat

Agad ko namang binuksan ang sulat at ito ang nakasaad

Mahal kong scarlette,



alam kong nagulat ka sa mga nalaman mo mula sa empress na si beatriex ngunit ito ang nakatakda sa iyong mangyari. Nais kong isuot mo ang kwintas na binigay ko sa iyo bilang tanda na tinanggap mo na ang iyong kapalaran. Buksan mo rin sana ang libro upang mas makilala mo pa ang iyong sarili at pinagmulan upang sa pagpalit mo sa aking pwesto ay mapamumunuan mo ang mga taga-ercadia ng may husay at buong puso.


-reyna ferra


Tiningnan ko ang kwintas na binigay sa akin ni reyna ferra At naalala ang sinabi ni empress.


"Maari mo itong talikuran, ngunit hindi mo ito matatakasan"



Tama sya marahil ay kailangan ko nang tanggapin ang nakatakda. Huminga ako ng malalim at sinuot ang kwintas na may pendant na hugis korona na napapaligiran ng iba't ibang kulay ng maliliit na dyamante.

Bigla namang may naglabasan na ibat-ibang kulay sa paligid ko at umikot ikot kasabay nito ang sya ring pagikot ko. Pumasok ito sa mismong tapat ng puso ko.


Medyo nahilo ako at napakapit sa cabinet malapit sa kama ko at umupo. Napansin ko naman ang mga buhok ko sa may gilid ng mukha ko. Teka ? tama ba ang nakita ko nag iba ang kulay nito.

Kinuha ko agad ang salamin sa mesa ko at tiningnan ito nagkulay white ito at Ang mga mata ko naman ay naging grey ang kulay. at ang ibang hibla ng buhok ko ay may mga maliliit na kumikinang na dyamante.

Tinitigan ko ang sarili ko sa salamin at hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Ako ba ito?


"Scar- OMG!! anong nangyari sayo ang ganda mo !!" Nagtitiling lumapit sa akin si cylome.


Nang makalapit sya sa akin ay
nanlaki ang mata nya sa suot kong kwintas


"I-ikaw ang susunod na reyna ?" Tanong nya


Nagdadalawang isip akong tumango ako



"Kyaaaaaaa !! Tumalikod ka nga scarlette!" irit nya


tumalikod ako at tinaas nya ang tshirt ko, sunod ay tinaas nya ang sleeves ng braso ko



Dahan dahang bumurda doon ang isang buwan isang cresent moon to be exact sa loob nito ay isang bituin at may burda rin ng mga dahong may halong kulay ginto sa braso ko  pababa sa ibabaw ng kamay ko.



"Ang swerte ko" nakangiti niyang saad nya saka sya nagbow


"Ay ayoko na !! Di na kita kaibigan" nagtatampong wika ko sa kanya tumayo naman agad sya ng maayos at tumawa. At saka ito tumungo sa higaan niya


Humiga naman ako dahil humiga na si cylome sa higaan nya. Di pa rin ako makapaniwala sa mga nangyayari sa akin. Totoo ba to? Baka nananaginip lang ako?  Kinurot ko ang sarili ko at natitiyak kong totoo ito. Dahil sa pagod ay unti unti nang pumikit ang mga mata ko.


*

*******


Nagising ako dahil sa tawag ng isang babae at ng imulat ko ang aking mga mata nakita ko ang isang magandang dalaga.


"Maligayang pagdating prinsesa. Narito ka upang malaman ang ang mga kakayahang mayroon ka. Ako nga pala si diana ang iyong tagapagbantay ngunit makikita mo lamang ako sa tuwing ipipikit mo ang iyong mga mata." Nakangiting pagpapakilala nito sa akin


"Sige diana maari ko bang malaman kung ano ano ba ang mga kakayahan ko." Tanong ko sa kanya.


Tumango naman agad ito.

"Kaya mong kontrolin ang apoy tubig lupa at hangin mahal na prinsesa, bukod doon ay ang mga kakayahang ito: teleportation, healing, dream reading, invisibility, shadow control, night vision, kaya mo ring kausapin at paamuhin ang kahit anong uri ng hayop, mapapasunod mo ang mga halaman at puno. Ngunit mag-ingat ka sa pag gamit ng mga ito prinsesa ang sobrang paggamit mo ng kapangyarihan ay baka maging dahilan ng iyong panghihina." Paliwanag nito sa akin.

Namangha naman ako sa mga sinabi niya.

"Paano ko naman magagamit ang mga iyan? " tanong ko rito.

"Ako ang gagabay sa iyo mahal na prinsesa. Tutulungan kita. At unti unti mong matututuhan ang mga iyan." Nakangiting paliwanag nito

"Sa ngayon, kailangan mo munang magpahinga. Upang makapaghanda sa iyong magiging mga pagsasanay" dagdag pa nito.

Author's Note:

So! Hi guys I'm back. And after almost how many years iuupdate ko na rin itong chosen. No major revision. Inedit ko lang ang way ng pagsusulat ko kasi this story is full of kajeje-an ko since I wrote this wayback 2015? So yeah. I hope you guys like it ! Keep on reading. Stay safe and stay at home ! Lovelots 💓💓

ChosenWhere stories live. Discover now