Chapter 8

9 2 0
                                    


Nagising ako sa isang magandang hardin sa tabi ng lawa sa gilid ko ay ang magkasintahan na si eros at Claria.

"Mahal, Malapit ng lumabas ang mahiwagang buwan" malambing na wika ni Eros

May paniniwala kasi na kapag ang magsingirog ay nangako sa ilalim ng mahiwagang buwan ito ay magtatagal ng panghabangbuhay o kahit ata sa kabilang buhay at susunod na buhay ay sila pa rin ang magiging magkasama.

"Oo nga nanabik na ako sa mga pwedeng mangyari, mangangako tayo sa harap ng mahiwagang buwan sa harap ng dyosa ng wagas na pagmamahalan. Ito ang pinaka espesyal na mangyayari sa ating buhay. Bukod sa ating kasal." Masayang sagot ni Claria

"Kahit anong mangyare mahal kita tandaan mo yan. Kahit na ikamatay ko ay ipaglalaban kita. Kahit na mabuhay ako sa susunod pang heneraayon ay ikaw lang ang aking mamahalin." Bakas sa tinig ni eros ang labis na pagmamahal sa kaniyang sinisintang si claria.

Kasabay noon ay ang pagpapalit ng eksena

Nakasandal ang duguang si claria sa puno sa tabi ng lawa. Habang nakahilig na rin sa kanyang mga hita ang kanyang minamahal na duguan rin at nanghihina na.

"M-mahal ang mahiwagang buwan!" Tuwang-tuwang sabi ni Eros kahit na ito ay nanghihina na rin

Ngumiti ng ubod ng tamis si claria at tulad ng mga bituwin ang kanyang mga mata ay kumikislap sa saya kahit alam niyang malapit na ang wakas nila.

"Pinapangako ko sa harap ng dyosa ng mahiwagang buwan na ikaw, Eros ! Ikaw lang ang iibigin ko magpakailanman. Mabuhay man ako sa ibang katauhan ng susunod pang henerasyon. Ang pag-ibig ko ay sa iyo lamang" nahihirapang sabi ni claria kay eros.

bumangon si eros kahit nahihirapan at sumandal katulad ni claria at hinawakan ang kamay nito. Tinitigan niya si Claria at saka nagsalita kahit nahihirapan na.

"Mahal ko, hindi matatapos ang salitang tayo dito.  Dito ito magsisimula, katawan lang natin ang mawawala ngunit ang puso ko ay maiiwang nagmamahal sa iyo. Alam kong may pag-asang magkikita tayong muli, at asahan mong ako ay mananatiling tapat sa iyo." Sabi ni eros

Tinignan nila ang isa't isa at binigkas ang salitang mahal kita bago tuluyang mawalan ng hininga.

Nagising ako. Napabalikwas ako sa higaan dahil sa napanaginipan ko na naman. Ang NAKARAAN ko.

Ako si eros, at hanggang ngayon ay hinahanap ko pa rin si claria. paano ko nalaman ? Kasi dream reader ang mommy ko at nung kinuwento ko sa kanya ang napanaginipan ko naipaliwanag niya na ang panaginip kong iyon ay nagmula sa kung sino ako sa nakaraan.

Hanggang ngayon hinahanap ko pa rin si claria. Alam ko napakaimposible na makita ko pa uli sya pero ang isipin na muli ko pa rin siyang makikita ay nabuhayan ako ng pag-asa na buhay pa ang mahal kong si claria. At iyon marahil ay bunga ng walang hanggang Pag ibig na ipinangako namin sa harap ng bilog na buwan.

********

"Scarlette" Tawag sa akin ni cylome

"Oh bakit?" Tanong ko rito na busyng busy sa pakikipaglaro kay Scaeon

"Nagugutom na ako. Hindi pa ba tayo pupunta sa cafeteria para mag agahan?" Pagmamaktol nito sa akin

"Mukhang patapos na naman maligo si Cordia intayin na lang natin siya" Pagpapakalma ko sa kanya

"Napakatagal talaga kumilos ng babaeng iyon" naiinis na usal nito at napasigaw ito ng batuhin siya ni Cordia ng hanger na kalalabas lamang ng Cr.

"Ay sus. Excited ka lang makita si Caleb eh." Natatawang pang aasar ni Cordia

"Akala mo talaga di ka excited makita si wave no?" Inis na sagot naman ni Cylome

Malakas akong tumawa dahil alam kong pareho lang naman sila na gustong makita ang mga crush nila haha. Buti na lang ako boyfriend ko ang nais kong makita.

Matapos mag ayos ni Cordia ay iniwan na muna namin sa scaeon sa higaan ko dahil hindi ko naman ito pupwedeng dalhin sa labas.

Lumabas na kami ng dorm at nagsimula nang maglakad patungo sa cafeteria. Medyo nanghihina pa ako ngunit hindi ko pinapahalata dahil ayokong mag alala ang mga kaibigan ko.

Nakarating kami sa cafeteria at naroroon naghihintay ang tatlo pa naming kaibigan. Si wave raeon at caleb. Mukhang nakareserba para sa amin ang bakanteng upuan sa harapan nila. Agad naman kaming tumungo roon at naupo. Katapat ko naman ngayon si Raeon na nakangiti sa akin.

"Anong gusto mong kainin? " Masiglang tanong nito sa akin

Tumayo ito at lumapit sa akin at hinawakan ang kamay ko at inalalayan akong tumayo.

"Hindi naman ako baldado. Okay na ako." Natatawa kong sinabi sa kanya

Ngumiti lang siya at hinawakan ng mahigpit ang kamay ko at saka ako dinala sa may counter at umorder lang ako ng 3pc pancake tapos isang hot choco. Siya naman ay sandwich at coffee ang inorder.

Ang pagkain dito sa Cafeteria ay libre at walang bayad at anytime pwede kang kumain dito. Di uso dito ang pera eh.

Nang makuha namin ang order namin ay agad kaming bumalik sa lamesa namin. Hindi pa manlang ako nakakaupo ay ramdam ko na, na may masamang nakakatitig sa akin. At nang lumingon ako sa paligid. Si Irenea ang nahagip ng aking mga mata. Seryoso, ano bang problema ng babaeng ito. Napailing iling na lang ako at saka naupo.

"Sis, bakit biglang sumama ang mukha mo?" Tanong ni Cylome

"Bakit nanununtok ba ang mukha niya kaya naging masama?" Pabirong sabat ni Wave

"Kausap kita ? Manahimik ka nga dyan" pagsagot rito ni Cylome

"Burn" Komento ni Cordia

"Toasted" dagdag pa ni Caleb

"Bread?" Inosenteng tanong ni Raeon na siyang ikinatawa naming lahat.

"Seriously Raeon?" Natatawang tanong ni Cordia

"What?" Inosenteng tanong muli ni Raeon habang nagpipigil ng tawa. At nang hindi na niya ito napigilan at saka siya humagalpak ng tawa.

His laugh is so pure and so cute. Kitang kita ko ang saya na nararamdaman nito dahil sa kislap ng kanyang mga mata at ang tunog ng kanyang tawa na musika sa aking tenga.

"Ehem, baka matunaw" pang aasar sa akin ni Caleb

Naramdaman ko namang uminit ang mukha ko at tiyak na namumula na ang mukha ko.

"Che! Di ka nga crush ng crush mo." Sigaw ko rito

At muli na namang napuno ng tawa ang lamesa namin. Para kaming mga baliw na pinagtitinginan na kami ng ibang estudyante. At Ganoon lang ang naging takbo ng almusal namin. Asaran at Buwisitan. Because that's what you call friendship.

ChosenWhere stories live. Discover now