Chapter 12

3 1 0
                                    

Maaga akong nagising dahil kami  ni Raeon ang naka assign na  magluluto ng agahan naming lahat tulad ng usapan kagabi. Naligo na muna ako at habang nag aayos ay napatitig ako sa sarili sa salamin. Halatang may sakit ako dahil sobrang namumutla ang mga labi ko.

Masama pa rin ang pakiramdam ko dahil sa sumpa ni Irenea ngunit ayoko namang sabihin sa kanila dahil ayoko na mag aalala sila. Inabot ko ang tint na mayroon ako at saka naglagay ng kaunti sa labi ko upang kahit papaano ay matakpan ang pamumutla ko.

Nang matapos ako mag ayos ay agad akong lumabas sa aming silid at natagpuan ko si Raeon doon na nagbabalat ng hotdogs at may nakasalang na rin na sinaing.

"Goodmorning Irog!" Bati nito sa akin at may matamis na ngiti sa mga labi niya

"Goodmorning Irog!" Bati ko rito pabalik

Nagsimula na rin akong kumilos. Nagtoast ako ng tinapay habang nag gagawa ng pancake mix. At si Raeon naman ay abala sa pagpriprito ng hotdog, bacon, ham at itlog.

Nang matapos kami magluto ay agad kaming naghain sa lamesa sa terrace at sakto naman ay naglalabasan na ang mga kasamahan namin.

Nakaupo na ang lahat habang si Cordia at Cylome ay nagtitimpla ng hot choco para sa aming girls at kape naman para sa boys.

Pumasok muna ako sa silid namin at nakita ko si Scaeon na nakaupo sa higaan ko. Agad ko itong kinuha at isinama patungo sa terrace, binigyan ko rin ito ng sarili nitong pagkain.

Pabilog ang lamesa kaya pabilog rin kaming nakaupo. Sa kaliwa ko ay si  Raeon katabi naman niya si Cylome at sa tabi ni Cylom ay si Caleb habang katabi ni Caleb si Cordia at katabi ni Cordia si Wave at si wave ang nasa kanan ko. Nagsimula na rin kaming kumain ng biglang magtanong si wave.

"So, anong plano natin guys? " panimula naman ni wave

At saka sila sabay sabay na tumingin sa akin

"Wala pa actually. May kailangan muna akong malaman. Do you guys know CRONO?" Tanong ko sa mga ito

"Well, si Crono ayon sa sabi sabi ay isang ercadian na sinumpa ng Diyosa ng buwan dahil sa naging kasalanan nito. At dahil ipinatapon din siya sa labas ng kaharian hinanap nito ang dark elixuir. At nang mahanap niya ito ay agad niya itong ininom at nagkaroon ng kapangyarihang kahit na sino ay hindi kayang tapatan. At sabi nila sa pagdating ng Red moon, ay magbabalik ito upang sakupin hindi lang ang mundo ng Ercadia kung hindi pati na rin ang mundo ng mga mortal" Kwento ni Caleb

"Bakit mo natanong? " puno na kuryosidad sa boses ni Raeon

"Basta, malalaman natin kapag nakausap ko na ang empress" nakangiti kong sagot sa kanila

Tumango tango naman sila at nagpatuloy sa pagkain habang ako ay iniisip ang kwento ni Caleb.

Nang matapos kami kumain agad kaming naghanda upang pumunta sa bulwagan dahil sa mahalagang anunsyo ng empress. At kanina ko lang nalaman na ang empress pala ay kapatid ng Diyosa ng Buwan.

Nang makarating kami sa bulwagan ay agad napukol sa amin ang atensyon ng mga estudyante, marahil ay dahil ito sa pag iiba ng anyo ng buong samahan namin bukod sa akin.

"Magandang Umaga mga mag aaral ng Ercadia. Nandito kayo ngayon dahil may nais akong iparating na balita sa inyo." Pukaw ng empress sa atensyon ng lahat

"May mga natanggal sa listahan ng High Clas at siyempre mayroon din namang nadagdag at alam kong nakita na ninyo iyon sa bulletin board ng dorms niyo. At ngayon nais kong ipabatid sa inyo na ang brilyante na regalo ng Diyosa ng buwan ay naihatid na namin sa kanya kanyang may ari kagabi lamang. At naririto sila ngayon" anunsyo ng empress

ChosenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon