Chapter 10

7 2 0
                                    

Mag-isa lang ako dito sa kwarto dahil linggo ngayon at nasa labas sila cordia kasama ang mga crush nila. Ang mga baliw na yon. Nakipagdate kila caleb at wave. Natatawa na lang ako dahil para silang aso't pusa na laging nagbabangayan pero heto sila ngayon nagdedate na.

Natigil ako sa pag iisip ng mapansin kong umiilaw yung librong binigay sa akin ni empress. Agad ko iyong inabot mula sa bed side table ko at saka ito binuksan ko agad ito at isang nakakasilaw na liwanag ang bumungad sa akin.

Habang unti unting nawala ang liwanag at napunta ako sa isang lugar na may malawak na damuhan at mga magagandang bulaklak na napaliligiran ng  madaming alitaptap na iba iba ang kulay na lumilipad at naglalaro sa ere. Nakakatuwa silang pagmasdan at nakakaaliw din. Napahinto naman ako ng biglang may boses na nagsalita na nagmula sa kung saan.

"Ikaw na pinili ng Diyosa ng Buwan ang syang nakatakdang humarap sa pinakamalakas sa lahat. Ikaw ang magiging dahilan ng pagkapanalo ng kaharian at mailayo ito mula sa nagbabadyang kadiliman, Saayo nakasalalay ang lahat, Narito ang limang dyamanteng ibibigay mo sa isa sayong mga kaibigan. Limang mapagkakatiwalaan at tapat. Upang magtagumpay kailangan mong harapin ang iyong pinagmulan at alamin kung sino ang kalaban at kakampi." Habang binibigkas niya ang mga salitang iyon ay lumabas sa harap ko ang limang brilyante na sinasabi nito

"Sa tulong ng iyong mga TAPAT na kaibigan ay magagapi ang kasamaan. MAG-INGAT KA PRINSESA. LAGI SYANG NAKAMASID SA BAWAT KILOS MO. GAGAWA SYA NG PARAAN PARA SA IKABABAGSAK MO. HUWAG KANG BASTA BASTA MAGTIWALA. LALO NA SA PAG-IBIG." Babala nito sa akin. Magtatanong pa sana ako ngunit biglang nawala ang liwanag na lumulukob sa paligid at ako ay muling nagbalik sa aking silid.

Hawak ko pa rin ang limang dyamante na ipinagkaloob sa akin ng libro. Habang tinititigan ko ito ay bigla na lang may bumulong sa pangalan ko. Nagpalinga linga naman ako sa paligid ngunit walang kahit na sino ang naroroon.  Muli namang umilaw ang libro at bumukas ito at iniluwa nito ang isang sing sing.

Agad ko naman iyong kinuha at may dyamante itong kulay puti. Sinubukan ko itong isuot at laking gulat ko ng isang puting dragon ang lumitaw sa aking harapan. Bigla naman itong nagpakilala sa akin

"Ako ang personal mong dragon mahal na prinsesa, bigyan mo ako ng pangalan at lahat ng ipaguutos mo'y susundin ko." Pagpapakilala nito sa akin

Tinitigan ko itong mabuti bukod sa ito'y kulay puti ito ay mayroon ding koronang dyamante atkulay asul din ang kanyang mga mata.

"cassiopeia." Tawag ko rito

Bigla naman itong nawala at iniwan sa akin ang isang papel na may lamang pangalan.

CRONO?  Sino naman kaya ito? Alam ko na! Itatanong ko kay empress kung sino ito dahil mukhang importante ang taong ito at pakiramdam ko ay may hindi maganda rin sa taong ito na nagbigay sa akin ng labis na kaba.

Natigil lang ang pag iisip ko nang maalala ko ang limang Dyamante na ipinagkaloob sa akin ng libro. Ang sabi nito ay ibigay ko ito sa mga matatalik kong kaibigan marahil dahil sila ay lubos kong mapagkakatiwalaan. Lima lang naman ang itinuturing ko na kaibigan sa paaralang ito, walang iba kung hindi si Cordia, Cylome, Caleb, Wave, at si Raeon. Pero ano ba ang sinisimbolo ng dyamanteng ito. Napatitig naman ako sa libro at saka ito binuksan. Alam ata nito ang nais kong mahanap dahil ipinakita nito ang kakayahan ng bawat dyamante.

Blue Diamond, It symbolizes water and calmness.

Violet Diamond, It symbolizes the sky.

Pink Diamond, It symbolizes plants and flowers use for protection and healing.

Brown Diamond, It symbolizes the earth and its land.

Red Diamond, It symbolizes fire.

Ang mga Diyamanteng ito ay pagmamay ari ng mga kaibigan mo. Ngunit sa oras na ibibigay mo na ito sa kanila ay dapat nasa mataas at tahimik kayo na lugar. Walang kahit na sino ang dapat na naroroon. Kapag kaharap mo na sila ay bumilog kayo at saka mo ilabas ang Diyamante. Elemental ang mga ito kaya kusa itong lalapit sa karapatdapat na mag may ari sa kanya. Babaguhin nito ang pisikal na estilo ng kaniya kaniyang itsura.

Matapos kong malaman ang mga dapat gawin kahit pahapon na ay nag iwan ako ng note sa ibabaw ng lamesa namin upang papuntahin ang mga kaibigan ko na pinapapunta ko sila sa rooftop ng dorm namin.

Tumayo na ako at lumabas at saktong sakto dahil nakasalubong ko si Raeon na mukhang papunta sa silid namin. Agad ko naman itong nilapitan.

"Sumama ka sa akin sa Rooftop" Aya ko sa kanya

Nagtataka man ito pero hindi na ito sumagot at sumunod na lamang sa akin. At nang makarating kami sa rooftop ay naupo kami habang inaantay ang mga kaibigan namin. Tahimik lang kami na nakatingin sa kalangitan. Walang kahit na sino sa amin ang naglakas loob na magsalita dahil siguro ay may kanya kanya kaming iniisip.

Maya maya pa ay dumating na ang mga kaibigan namin. Agad naman akong nilapitan ni Cylome.

"Anong meron skarleta?" Pang aasar na tanong nito sa akin

"Really? Ang baho ng tawag mo sa akin ah." Natatawang komento ko

"Kasing baho mo. Di ka pa kasi naligo" tawang tawang sagot nito

At nagtawanan naman silang lahat.

"Leche ka talaga Cylome! " natatawang sigaw ko rito

"Pero seryoso, I have something to tell you guys" seryosong anunsyo ko

"Ano naman yun? Is it really that urgent? " tanong ni Wave

Tumango naman ako saka humingang malalim bago tumayo.

"Come here bumuo tayo ng bilog" Aya ko sa kanila

Bumuo naman kami ng bilog habang dinadama ko ang malamig na hangin. Tumingala naman ako sa mga bituwin at sa  buwan na nagbibigay sa amin ng maliwanag. At saka  ako pumikit.

Mahal na Diyosa ng buwan gabayan mo po kami sa aming gagawin ngayon at nawa ay mapunta ang Diyamante sa karapatdapat na mag may ari nito.

Iminulat ko ang aking mata at nakita kong nakatingin sila lahat sa akin na parang naguguluhan sa mga nangyayare.

"Paparating na ang isang malaking unos at kailangan ng ercadia ng proprotekta dito. At kailangan ko ng tulong niyo" Pagsisimula ko

"Pinili ko kayo dahil alam kong mapagkakatiwalaan ko kayo at alam ko na magiging matagumpay ang lahat dahil magagaling kayo. At ngayong gabi sa ilalim ng buwan ay pagkakalooban kayo ng espesyal na kapangyarihan na may kaakibat na responsibilidad" Anunsyo ko sa mga ito

ChosenDove le storie prendono vita. Scoprilo ora