Chapter 5

8 2 0
                                    

"Oh my God nakakakilig naman yun! " kinikilig na reaksyon ni cordia sa ikinuwento ko sa kanila

"Haynako mapapa sana all ka na lang talaga eh" natatawang komento naman ni Cylome

Ikinuwento ko kasi sa kanilang dalawa ang nangyare sa rooftop at ang mga napag-usapan namin ni Raeon. At iyon ang naging reaksyon nila.

"Baka mamaya totohanin niyo ha?" Pang aasar ni Cylome sa akin na ikinapula ng pisngi ko

"H-hindi no!" Nahihiyang pagtanggi ko

"Asus. Bakit nagblublush ang prinsesa? " tawang tawang pansin sa akin ni Cordia na lalo kong ikinapula

"Hay nako tumigil na nga kayo." Naiiling kong saway sa kanila habang sinusupil ang mga ngiting nais lumabas sa aking mga labi.

At saka naman sila humagalpak ng tawa. Mga baliw talaga ang dalawang ito. Hindi ko na lang sila pinansin at nahiga na sa aking kama.

"Tutulog ka na agad? Kakain pa tayo" pag papaalala ni Cordia sa akin

Agad naman akong napabalikwas at tumingin sa kanila na nag aayos na dahil pupunta na kami sa cafeteria. Mukhang may pinag papagandahan ang dalawang bruhang ito ah.

Mabilis naman natapos ang araw at dahil wala na kaming klase ay maghapon lang kaming nagkwekwentuhan nila Cordia at Cylome. Well kailangan rin naman namin makilala ang isa't isa. At ngayon naman ay naghahanda na kami upang matulog dahil gabi na rin at pagod kaming lahat dahil sa pagsusulit.

Nahiga na ako sa aking kama at ipinikit ang aking mga mata. Naglalakbay na ang isip ko kung saan saan hanggang sa makatulog na rin ako ng tuluyan.

*******


Nagising ako dahil may isang malambot na bagay ang kumikiskis sa aking mukha at nang iminulat ko ang aking mata.

"Halaaaa sino kaaaa? Ang cute mo naman" sigaw ko dahil sa isang puting pusa na nasa harapan ko ngayon at may mga asul na mga mata. Mukhang nagulat ko ito dahil nakatitig lang ito sa akin.


"Nagustuhan mo ba ?" Napabalikwas ako ng marinig ko ang boses ng isang lalaki.



Napalingon ako sa nagsalita. Napatakip tuloy ako ng comforter bigla.


"Anong ginagawa mo dito ?" Tanong ko sa kanya habang nasa ilalim pa rin ako ng comforter


"Sinusundo ang girlfriend ko" cool nyang sabi


Teka? Ano daw ? Girlfriend.



"Ano bang sinasabi mo ? Hibang ka na ba?  Lumabas ka na nga maliligo na ako" sigaw ko rito habang nakatalukbong pa rin dahil namumula na ang mukha ko.


"I will wait outside hurry up!!" Sigaw nito sa akin


Pagkalabas nya ay bumangon agad ako at nag ayos na agad nakakahiya naman kay boss raeon na mukhang may pms.

"Hey cutie!" Tawag ko sa pusa

"Dito ka lang muna ah? I will be back later. Mag uusap tayo." Nakangiti kong sinabi dito.

Nang makalabas ako sa Dorm ay bumungad sa akin ang lalaking nakasandal sa pader na mukhang inip na inip na sa paghihintay.

ChosenWhere stories live. Discover now