13- after 2 years

2K 20 3
                                    

2 years,

Dalawang taon ang lumipas mula nung last na magkita-kita sila. Nung naging broken hearted siya, pero ngayon wala na sa kanya. Dahil hindi na sila muling nagkita.

Tuluyan ng naghirap ang pamilya nila andrea kaya naman pinaalagaan muna siya sa kanyang lola, sa isang lugar din sa laguna na medyo malayo sa dating tinitirahan. Kaya bihira nalang siya makapunta o makauwi sa kanila.

Bibihiri minsan isang beses sa isang taon or kaya hindi na lang siya umuuwi kasi siya nalang ang binibisita ng kanyang mga magulang. Siya lang ang pinatira sa mga lola niya, ayaw man niya ay wala siyang magagawa dahil na rin sa hirap sa buhay. Ang hirap nalang na umaabsent ka dahil wala kang baon mas malala pamasahe lang kaya minsan two times nalang siya pumapasok.

Tinatanong na nga siya ng kanyang adviser pero hindi siya makasagot dahil nahihiya siya. Dati siya ay may pinaka may kaya sa kanilang magkakaklase kaya nga yung iba niyang kaklse naaartehan, sa kanya, tapos samahan pa ng pagkamataray niya.

Ngayon nakatapos na siya ng highs school pero sa kanyang lola pa rin siya nakatitra.  Sila pa rin kasi ang magpapaaral sa kanya ng college sa *toot toot* university ang cpurse niya naman ay AB COMMUNICATION pangarap niya talaga yang course na yan, simula palang nung 3rd year high school siya nahili siya sa pagababasa ng mga literature books at pocketbooks.

Inaayusan siya ngayon dahil isinali siya ng kanyang lola sa flores de mayo. Siya ang reyna Elena ng bayan nila ngayon. Bata palang siya isinasali na siya ng mama niya sa mga ganyang event. Ewan ba niya, kaya nagiging makapal ang mukha niya.

Hindi na siya magtataka kung isasali din siya sa mga beauty pageant ng mama niya pero ayun ang ayaw niya, kahit may pagkamaingay pa rin siya, mahiyain pa rin siya.

“bakla  gumanda ka lalo.” Sabi sa akin nung baklang nagaayos ng buhok ko.

Tiningnan ko siya sa salamin at nginitian ko siya, “salamat”

“pwede kang sumali sa pageant, sabihin mo lang ako magaayos sa iyo.” Kaya naman pala sinabi yon para kumita.

“nakow hindi mo ako mapapasali sa ganyang lahok.”

“sayang naman bakla, pwede kang kumita dun, ako magiging manager mo.”

Nginitian ko siya ng kiyeme, nakakahiya kaya. Tapos pagkakakitaan niya lang ako. Wag na lang.

Forbidden Love (BOOK 1 and BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon