21-Plan

2K 16 1
                                    

“You're not in love with me. You're just in love with the idea of being in love with me.”

***

I need to make a plan. Operation:  Max and I are getting back together. But how? If max doesn’t like me anymore? Because of that stupid girl. The heck you are ANDREA NICOLE MA LOPEZ. Isang stalker pero ngayon napansin ka na.

Para makabalik sa akin si Max, kailangan kong magpanggap sa kanila. Magpapanggap ako na kaibigan nila, na ayos lang sa akin na iniwan ako ako ni Max ng dahil sa pesteng babaeng yan.

Kailangan kong magpakabait yuck! Kahit ayaw ko naman.  Peste ka talaga, ANDREA, sa iyo lang ako nahirapan kung paano maibalik sa akin ang boyfriend ko.  dati rati naman sa tuwing may mag fflirt sa boyfriend ko, napapalayas ko naman, pero sa kanya. FUCK! Lang. 1 month na akong  hindi pinapansin at iniiwasan ni Max leche!.

Hindi ko din aakalain na matapang din ang babaeng yon.

*flashback*

Kinabukasan nang pageenrol kailangan bumalik nila Andy, Yogi para kuhanin ang schedule nila. Si Lila nararamdaman niya magkasama na naman ang dalawa sa pagkuha ng schedule. Kaya kailangan niyang pumunta don, at bawiin ang kanyang pag-aari.

Dali-dali siyang nagbihis, nagpaganda at dumeretso sa school na pinapasukan niya. Dahil isa din ako sa may kaya, may kotse kami, kaya lang si daddy ang nagamit, hinahatid lang kami sa umaga, ngayon kailangan kong magcommute kung hindi, hindi ko sila maaabutan na naglalamapungan, I need a proof, evidence na nagpapakitang may relasyon silang dalawa.

Pagkababa ko ng trycicle na sinasakyan ko. medyo marami ng mga pakalat-kalat na mga tao. Tinitingnan ko ang paligid, baka makakita ako ng mga naglalampungan, kaya lang paglingon ko sa kaliwa, wala. Ang linis ng paligid, sa kanan, ganon din.

Baka naman nasa registrar office. Naglakad na siya papunta dun.  Medyo malayo-layo iyon, dahil, sa laki ng unibersidad dito sa amin,  nilakihan ko ang mga hakbang ko, marami-rami akong nakakasalubong na mga bagong estudyante, old students, and teachers.  Okay. Mabalik tayo sa hinahanap ko.

Ganun pa rin ako lingon dito, lingon doon, wala pa rin ako mahanap. Naandito pa ba yung mga yon? Tinext ko ang mga kaibigan ni max, kaya lang mga walang nagrereply.  Mga walang load siguro ang mga yon. Nakakahiya naman magtanong sa mga nakakasalubong ko baka mapagkamalan pa akong SISA.

“Lila!”

May tumawag sa magandang pangalan ko.  kaya lumingon ako. Isa sa mga kaklase ko lang palang impakta.

“oh ano?”

Forbidden Love (BOOK 1 and BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon