Why Can't It Be? 25

1.1K 10 0
                                    

Nanginginig ang kamay kong dinayal ang numero at halos mabingi na sa lakas ng tibok ng puso ko. Halos makatatlong ring din bago sinagot iyon. “Hello, Ma.”  Nauumid kong sabi.

“Naalala mo pa palang may pamilya ka dito sa Pilipinas.”  Hindi ko madescribe ang tono ngayon ni Mama. Naiiyak na ako dahil sa tuwing naaalala ko ang mga nangyari noon ay halos gusto ko ng kuhanin ako ng sahig na kinatatayuan ko ngayon.

“Kamusta na kayo? M-Magpapadala ako ng pera sa inyo.”  Hindi ko pa rin alam ang dapat kong sabihin sa kanya.

“Tatawag ka lang ba talaga pag magpapadala ka ng pera? Matagal na akong nananahimik sa inaasal mo, Andrea. Ganyan ka nalang ba lagi? Wag mo na kaming padalhan ng pera basta tawagan mo lang kami ng madalas.” Nagulat ako sa pahayag ni Mama.  “Kamusta ka na dyan sa Australia?” Sumunod niya pa.

“Ma, a-I’m sorry.” Speechless ako sa sinabi sa akin ni Mama kaya hindi ako makahanap ng salita.

“Okay lang naman kami ng mga kapatid mo dito, ikaw ang inaalala ko diyan. Si Hugo? Kasama mo pa rin ba sa bahay? Yung boss mo?” Hindi niya pinansin ang sinabi ko hindi ko alam kung napatawad na ba niya ako o kinalimutan lang niya ang mga nangyari noon.

Nanakit na ang lalamunan ko sa pagpipigil ng iyak. “Ayos lang naman po, Ma. Opo. Magkasama pa rin kami. Gabi na ah ba’t di pa kayo natutulog?” tanong ko sa kanya.

“May bisita lang kami ngayon at may pinag-uusapan lang kami, ikaw diyan ang dapat matulog mas advance ang oras diyan kesa dito.” Namiss ko ang pag-aalala sa akin ni Mama. Gusto ko sanang makausap ang mga kapatid ko at ang Daddy pero masama talaga ang pakiramdam ko ngayon.

“Oo na, magpapahinga na ako masama din kasi pakiramdam ko. Bye.” Paalam ko sa kanya at pinatay ang tawag.

Umupo ako sa kama ko dahil nagbublured ang paningin ko at nahihirapan akong huminga.  Dalawang buwan na ang lumilipas simula ng umalis ako sa Pilipinas at ngayon ko lang naisipan na tumawag kay Mama kaya naiintindihan ko ang tampo at galit niya na handa kong marinig pero mali sa pagkakaalam ko dahil naging kabaligtaran ang inasal niya sa akin.

Napahawak ako sa sentido ko dahil kumikirot iyon habang lalong umiikot ang paningin ko. Bumukas ang pinto ng kwarto ko “Nagdinner ka na ba?” Tanong ni Hugo na ngayon at parang dalawa siya sa akin habang yung sikmura ko parang tataob. Nasusuka ako!

Tumakbo agad ako sa Cr ko at dumeretso sa basin para ilabas ang kinain ko kanina. “Ayos ka lang ba?” Sinundan pala ako ni Hugo. Hinagod niya ang likod ko habang nakatungo pa rin dahil feeling ko hindi ko pa nailalabas ang lahat ng kinain ko at may natira pa. Itinaas ko ang kanang kamay ko para sabihing ayos lang ako. Agad akong nagmumog ng wala na akong mailabas at inayos ang buhok kahit na masama pa rin ang pakiramdam ko.

Ramdam kong tataob ako kaya napahawak ako kay, Hugo. “Ulcer lang naman to o kaya may nakain ako kanina na anakapagpasama ng pakiramdam ko.” Paliwanag ko sa kanya habang inaalalayan ako papunta sa kama. “Or kaya naman, magkakaroon ako.” Sumunod ko pa nang makaupo na ulit ako sa kama ko.

“Sigurado ka ba? Wait, kuha lang kitang tubig.” Paalam niya bago tinalikuran ako.  Ipinatong ko ang braso ko sa noo tsaka tinitigan ang kisame. Iniisip ko kung anong nakain ko o kung magkakaroon ako? Pilit ko pa ring pinaniniwala ang sarili ko na may nakain lang ako kanina pero ramdam kong may mali sa katawan ko. Maling-mali!

Forbidden Love (BOOK 1 and BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon