Why Can't It Be? 18

855 6 0
                                    

Habang kumakain na kami nila Yogi at umalis din ang kapatid ko ay bumalik si Mama sa La mesa at umupo sa tapat niya.

“Iho napapansin ko lagi nalang kayong nag-aaway nitong anak ko.” Panimula ni Mama habang ako ay napalunok ng malaking puto na kasusubo ko lang.

Tumingin muna sa akin si Yogi bago niya tinignan si Mama.

“Ah hindi naman po Tita pinagsasabihan ko lang naman po siya.” Sabay ngiti nito.

“Tungkol naman saan? Sa katarayan ba? Nako kaya hindi nagkakaroon ng boyfriend yan eh dahil sa ugali niya.”

“Ma!” Saway ko dito napabaling ang tingin ko sa kanya habang nakangisi.

“Totoo naman Andrea yang ugali mo ayaw mong baguhin paano ka magbboyfriend? Ilang taon ka na hanggang ngayon wala ka pa ring pinapakilala bukod kay Hugo.”

Napatiim bagang si Yogi sa huling binanggit si Mama. “Ma! Tumigil ka na nga nakakahiya!” saway ko na dito kunwari  naiinis na yung tono ko.

“Mahihiya ka eh Tiyuhin mo naman to.” Nganga ako sa sinabi niya kaya mas minabuti ko nalang tumahimik sa kinauupuan ko. I look at him again and he’s too. Ngumiti muna siya sa akin bago sinagot si Mama.  “ Tungkol po sa boyfriend niya.”

Nasamid ako sa narinig ko kaya ininom ko ulit yung nasa baso ko. Biglang nbumilis ang tahip ng puso ko. Yung mga tuhod ko nangingig hindi ko ata makakayanan tumayo ngayon. Bakit ba hindi siya makaintindi ng hindi pa ito ang tamang panahon para umamin sa kanila?

“Ano? May boyfriend na anak ko?” lumingon sa akin si Mama na gulat gulat ang reaction ng mukha nito. ”Bakit hindi mo sinasabi sa akin? Bakit ayaw mong dalhin dito sa atin ng makilala namin ng Daddy mo? Tatanggapin naman namin yon basta wag lang kamag-anak mo.”

Mas lalo na akong hindi nakapagsalita sa sinabi niya. Hindi ko na alam ang gagawin ko ngayon. Pinikit ko ang mga mata ko para pigilan ang mga luha na nagbabadyang lumabas doon.

“Tita magpapaalam na po ako. May gagawin pa din po ako eh.” Bigla siyang tumayo sa akin hindi ko maintindihan kung anong emosyon sa mukha niya ngayon .

“Ah ganun ba? O sige mag-iingat ka.” Tumayo na rin si Mama. “Andrea hatid mo muna si Kuya Yogi mo sa labas.” Utos ni Mama. Para akong walang naririnig at hindi nagssink in sa utak ko ang sinasabi niya. “Andrea!”

“Ikaw nalang Ma! Nakain pa ako oh.” Pagsisinungaling ko. Hindi ko kayang tumayo pa dahil sa tuhod ko na hanggang ngayon ay nanginginig pa din.

Tumalikod na si Yogi para maglakad palabas habang ako ay nakaupo pa rin dito ininom ko muna ang sinalin kong Juice sa baso ko at dahan-dahang tumayo yung mga mata ni Mama nanlilisik na ngayon. Naglakad na rin ako at dinadalangin na hindi mapaupo dahil yung tuhod ko hindi pa rin nagbabago.

“Kaya na niya yan.” Sabay lihis ko papunta sa hagdan at dere-deretsong tumaas habang siya ay naiwang nakatigil sa kinatatayuan niya.

Forbidden Love (BOOK 1 and BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon