Why Can't It Be? 3

1K 15 0
                                    

 Siguro nabibigla itong Pinsan ko sa katarayan ko pero sila January sanay na sanay na sa akin. Tinignan ko nalang ang pulang kuko ko sa kamay at talagang hindi ko alam ang gagawin sa harapan nila.

“Hay nako Pinsan pasalamat ka at masakit ang ulo kung hindi iisipin kong ayaw mo silang makausap at makita.” Sagot na naman ni Ate Allison sa akin sadyang ayoko na sa kanila. AYOKO SA MGA MANLOLOKO!

“Na-Ah.” Sagot ko sa kanya sana naman makahalata na siya diba?

“Magsimula na tayong mag-inom pili kayo Beer or Hard drinks?” Tanong ni Chowking.  Naramdaman kong may nakatingin sa akin kaya alam ko na kung sino iyon. Sumagot na silang lahat tanging ako nalang ang hindi nakakasagot .

“Beer nalang sa akin.” Sagot ko. Napatingin ako kay Kuya Yogi yung tingin niya nakakatunaw kaya naman iniba ko nalang ang tingin ko sa ibang bagay or should I say sa ibang tao.

“Kamusta Maximo?”  Bukod sa aming lahat siya ang naiiba dahil siya lang ang tahimik at bukod doon ay lalaking-lalaki na ito. Nang dahil doon kaya kami nagkaaway kaya lang ayoko pang pag-usapan ngayon.

“Ayos lang.” Maikling sagot nito. Ang sungit! Akala ba niya gusto ko ding makipag-usap sa kanya? Nagpapakacivil lang ako sa kanya dahil sila lang ang KAKILALA KO DITO.

Habang nagpapakuha si Chowking ng Hard drinks at beer ay may lumapit na dalawang Babae ang isa ay nasa edad sinkwenta na at ang isa naman ay siguro kasing edad ko lang at kilalang-kilala ko to.

Tumingin sa akin ang buong barkada ng nakalapit na ang dalawa kaya naman tinaas ko ang isa kong kilay.

“Kamusta kayo? Ngayon ko lang ulit kayo nakita ahhh ang gaganda at gagawapo niyo lalo.”
 Biro ata ng MOMMY ni CHowking samantalang yung kalapit niya ay nakangiti lang at hindi makatingin sa akin.

“Kilala niyo to si BRIELLE diba? Ang asawa ni Chowking tanda niyo pa ba?” Tanong pa nito.

“Opo.” Sabay-sabay nilang sagot samantalang ako ay nakangiting pilit at nakatingin lang sa kanila.

“Ayy nga pala Guyth kaya kami naandito ng Pinsan ko at ng FIANCEE ko ay para imbitahin kayo sa nalalapit naming kasal.” Singit ni Ate Alliso. Yung ngiti ko kanina ay napalitan ng pagkabigla kasi hindi niya sinasabi sa akin ang tungkol doon o wala siyang kinikwento.

“Hindi ako buntis. Okay? Alam ko lahat kayo nabigla napagpasyahan na namin na magpakasal na total nasa tamang edad na kami at doon din naman kami tutungo diba?” Aniya

Tumango ang Mommy ni Chowking at yung Brielle samantalang yung iba na sina Althea at January ay niyakap ang pinsan ko Close na talaga sila nakakatuwa naman! May saracasm yon. Iniikot ko ang mga mata ko ng tinignan ako ng pinsan ko pagkatapos silang batiin ng barkada.

Marahil sanay na ang pinsan  ko sa akin kaya tumawa nalang ito ng mahina samantalang ang barkada at ang Mommy ni Chowking pati na rin si Brielle ay pawing natahimik kaya naman yung kanta nalang na rinig na rinig sa buong paligid ang naririnig namin.

Forbidden Love (BOOK 1 and BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon