Why Can't It Be? 8

1K 12 0
                                    

Pagkatapos namin mag usap namin ni Chowking ay nawalan na ako ng ganang mamamasyal kaya minabuti ko nalang na umuwi.

Nang makarating ako sa bahay namin 2 oras lang ang lumipas ay may nakita akong ibang kotseng nakaparada. May bisita na naman ba kami? Kailan kaya kami mauubusan ng bisita?

Pumasok na ako sa loob at dere-deretsong naglakad papapunta sa stairs. “Nak naandyan ka na pala hindi mo man lang ba babatiin sila?”

Yah naabutan ako ni mama na nagmamabilis na umakyat hindi ko na nga sila pinansin eh. Dahil hindi ko naman pwedeng ipahiya si Mama sa harapan nila ay agad na akong humarap para batiin sila. “Good afternoon Mr. And Mrs. Llamanzares.”  Sabay ngiti ng malapad. Hindi ko tinignan si Max dahil naiinis pa rin ako sa kanya ngayon.

“ Nako siguro kaya ka nagmamabilis para makapag ayos ka at makapag paganda sa harapan namin lalong lalo na sa panganay kong si Max.”

Sabay tawa ni Mrs. Yna. EH? Paganda sa kanya? Eh? Baka siya if I am right? Right? Ngumiti nalang ako sa biro nito para nalang hindi mapahiya. Tinignan ko si Max na ngayon ay nakangisi lang okay anong meron? Clueless ako sa mga nangyayari.


“Nako napakaswerte ko kung ikaw Iha ang magiging manugang ko at magiging asawa ni Max.”

Kung yung biro ni Mrs Yna ayos pa pero yung kay Mr. Llamanzares? Hindi ko ata matatake like urgggh he’s gay right? Dumating pa nga sa point na pinalayas si Max dahil sa ibinisto siya ni Lila. Bakit ngayon ayos na sila? At bakit nalang ganon ang pagkagusto sa akin ng Ama nito para sa kanya?

“Ayun nga din ang gusto ko bagay ang mga anak natin. Ang saya kung sila ang magkakatuluyang dalawa. Anak may boyfriend ka na ba?” Singit naman ni Mama.

Si mama kung kani-kanino na lang ako nililink baka akalain pa ng mga tao malandi ako. Nginitian ko lang si Mama at tumalikod na ito paakyat ng kwarto ko. bastos na kung tignan pero hindi ko alam ang isasagot ko sa  pinag-uusapan nila.

Pagkapasok ko sa kwarto ko ay agad kong inilock ang pinto at umupo sa kama. Sa pag-uusap namin ni Chowking ay bumalik ang lahat ng nakaraan na matagal ko nang kinalimutan.

“Magdadate tayo?” Tanong ko sa kanya.

“Oo. Pumayag ka nang ligawan kita diba? Eh di Date tayo.”  

Hindi na kami magkainitindihan para na kaming tangang dalawa dito na nagtatanungan ng paulit-ulit. Nagkatinginan kaming dalawa at bigla nalang napatawa.

“Baliw ka talaga kahit kailan Chowking.”

Oo wala pa akong nararamdaman sa kanya pero kailangan kong bigyan ang sarili ko ng chance na lumigaya at bigyan ng chance ang nararamdaman niya para sa akin. Sana lang talaga mag work ito knowing him masyadong babaero at marami nang experienced.


“Baliw na baliw sayo.”

Banat niya. Agad kong naramdaman ang pag-iinit ng aking mukha. Tumungo ako para hindi niya mahalata pero hinawakan nito ng palad niya at iniangat.

Forbidden Love (BOOK 1 and BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon