Finale

2.6K 28 11
                                    

Nagpacheck-up na ako at agad ngang kinumpirma ng Ob-gyne na dalawang buwan akobg nagdadalang tao kasama ko si Hugo. Napagkamalan pa nga niyang siya ang asawa ko.

“Luka-luka yung babaeng yon mukha ba akong nakabuntis ng babae? Ang ganda ko naman.” Hindi ko alam kung maiinis o matatawa sa sinabi niya pero inirapan ko siya at naglakad na papunta sa parking lot kung nasaan ang Suv ni Hugo. “Parang nagjojoke lan, sungit nito!” narinig ko pang bulong niya.

Tahimik lang kami sa loob ng sasakyan at walang gustong bumasag noon. Kahit na nakapagtest na ako hindi pa rin ako makapaniwala sa confirmation na narinig ko. TOTOONG BUNTIS na nga ako. Ipinikit ko ang mga mata ko at bumuntunghinga ng malalim. Bawal daw akong mastress pero isipin palang na buntis ako hindi ko na alam ang gagawin ko.

“Buntis, Confirmed na talaga so paano yan? Sasabihin mo ba sa kanya o hindi?” Sasabihin ko ba? Lumaki akong hindi tunay na ama ang kinikilala ko kaya akala ko kumpleto na ang pagkatao yun pala kulang na kulang pala. Hahayaan ko nalang bang maging katulad ko siya? Pero pag sinabi ko sa ama niya ang totoo magiging masaya ba ang anak ko sa ginawa namin? Yung makilala niya ang pamilya ko at pamilya ng tatay niya anong sasabihin niya na we used to be a family relatives thou malayo na rin sa angkan namin? Matatanggap ba niya? Ikahihiya ba niya? Alam kong inosente siya at isa siyang gift na bigay sa akin pero alam ko rin na kahit anong sabihin at gawin ko na pagtatanggol sa kanya may mga tao pa rin na uungkatin at pagmamalupitan siya. May mga taong tataas ang kilay sa kanya at mang-aapi. Kaya ko bang makita siyang umiiyak na uuwi sa akin dahil sa pangbubully sa kanya?

Huminga ako ng malalim. Isipin ko palang hindi ko na alam ang tamang sagot. “Buntis, biyaya yan ni Lord kaya wag na wag mong iisipin na parusa siya sayo ayt wag na wag mo siyang iaabort.” Nanlaki ang mga mata ko sa huli niyang sinabi.

“Wala pa sa isipan ko yan at hindi ko iniisip na gawin iyon.” Hindi ko pwedeng sabihin na aksidente lang ang batang to dahil ginusto ko to. Ginawa ko ang makipagtalik at ginusto ko iyon kaya wala akong karapatang isisi sa bata o sa ama niya ang mga iyon.

“Buti naman no! Sasabunutan kita kung ganon, niways magluto nalang tayo sa bahay para hindi hassle ang pagbabyahe mo.” Tumango nalang ako sa kanya at tumingin sa labas ng bintana.

_

Habang naglalakad papunta sa Unit ni Hugo ay may napansin akong isang bugkos na bulaklak sa tapat ng pinto. Lumingon ako kay Hugo para tanungin iyon pero halata din sa mukha niya ang pagtataka.

Kinuha ko iyon ng may makita akong putting maliit na sobre. Binuksan ko iyon at may card kaya agad kong kinuha para basahin mung may nakasulat man.

 

“Hindi kita bibitiwan hanggat hindi mo sinasabi sa akin na pakawalan ka.”

 

Luminga-linga ako para hanapin kung sino man ang nagpadala non pero yung sulat kamay niya pamilyar sa akin. Yung mga bulate ko sa tiyan agad na nagwala tapos yung puso ko bumilis ang takbo kala mo nakikipagkarerahan.

Hinablot ni Hugo ang papel na hawak ko at binigkas ang nakasulat doon. “Da hu itey? Ang drama niya huh!” Maarteng sabi ni Hugo habang ako ay tahimik pa rin na nag-iisip kung sino ang taong iyon at kung tama nga ang hinala ko.

Forbidden Love (BOOK 1 and BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon