Chapter 13: I Can't Lie

7.8K 124 31
                                    

Sorry nakaprivate. Mejo uncomfortable talaga ako habang tinatype to kasi you know, may kasama ako sa bahay. Pasulyap-sulyap pa. HAHAHA

Comment and Vote! :*

**

CHAPTER 13: I CAN'T LIE

Terrence's POV

Mula sa malayo, kitang-kita ko yung mga ngiti niya. Yung ngiting matagal ko nang nilagay sa mukha niya at unti-unti kong tinatanggal.

Hindi ko akalain na ganito ang mangyayari.

Akala ko, maayos na ang lahat.

Akala ko, sapat nang umamin ako sa pagkakamali ko.. namin.

Akala ko, sapat nang mahal namin ang isa't-isa para hindi ito mangyari.

Akala ko, kaya ko siyang hawakan kailan man.

Pero mali ako.

Nagawa ko siyang saktan.

Nagawa ko siyang bitawan panandalian.

At ngayon, unti-unti siyang nahahawakan ng iba.

Wala ito sa plano ko.

Gusto ko lang naman, pangalagaan ang alam kong akin.

"Tol, tama na yan. Lasing ka na." Sabay agaw sa akin ni RR ng baso. Hindi ko binigay at agad kong ininom ang laman nitong alak.

"Hayaan mo nga yan, alam mo namang bigo sa pagibig eh." Sigaw ni Rusell at nagtawanan sila.

Tiningnan ko sila ng masaya pero patuloy lang sila sa pagtawa.

Agad akong tumayo at nagiwan na ng bayad sa bar counter.

"Oh san ka pupunta?!" Tanong sa akin ni RR.

"Sa malayo." Sagot ko at umalis na ng lugar na iyon.

Hindi muna ako uuwi. Kailangan kong alisin yung alak sa sistema ko. Madami dami din akong nainom pero hindi ako lasing.

Habang naglalakad, ang dami kong nakikitang mga masasayang pares.

Sana kasama kami jan ni Ciara.

Naiinis talaga ako sa nakita ko kanina. Pinalampas ko na ung paghatid sa kanya ni Brian, yung late na siya nakauwi pero ang makita ulit silang magkasama? Putangina. Ang sakit.

"Kailangan mo ng kasama?" May bigla akong narinig mula sa likod.

Hindi ko na iyon nilingon, baka hindi naman ako ang kausap. At hindi uso ang pick up sa ganitong lugar.

"Ay snabero si pogi." Then I felt that he pinched me on my arms.

"Ano ba?!" I yelled. Kahit babae to papatulan ko to.

"Init naman ng ulo mo pogi." Then she wrapped her hands into my left arm. "Pakalmahin kita, gusto mo?" Then winked at me.

"Hindi ko kailangan." Sagot ko at kinalas ang pagkakakapit niya.

 

"Sungit mo naman pogi." She said. Tapos nilampasan niya ako. "BH ka no?" At tinawanan niya ako.

Hindi ko nalang siya pinansin at naglakad palampas sa kanya. At mukhang wala siyang balak na tantanan ako dahil nararamdaman ko ang presensiya niya sa likuran ko.

The Blind Side of Love || COMPLETEWhere stories live. Discover now