Chapter 19: Part Two

9.1K 125 9
                                    

CHAPTER 19: SIX DEGREES OF SEPARATION PART 2

 

TERRENCE'S POV

Nung bumaba si Ciara sa sasakyan, gusto ko siyang habulin at magpaliwanag. Pero alam kong kapag ginawa ko un, mag-aaway lang kami lalo at baka bigla siyang magdesisyon na iwanan ako. Ayoko. Hindi ko kakayanin na iwanan niya ako. I'll give her time. Time to think this through. Time to relax her mind. Time to think... about us? 

Dumiretso na ako sa condo ko. Pero imbes na umakyat sa kwarto ko, I headed down to the bar near my place. I needed a drink.

Pagdating ko doon, nandoon sina RR, Mike and the rest of the team. Nauna na pala silang nag-inuman. Balak ko sana silang iwasan kaso nakita ako ni Carl.

“Saw the scene at the mall. Sino yung babae, pare? Akala ko ba seryoso ka na kay Ciara? Ano 'to, history repeats itself?” Pambungad na tanong sa akin ni RR.

Sumama agad ang tingin ko sa kanya. Kailangan talaga niyang sabihin 'yon ngayon.

“Wala. Seryoso ako kay C.” I answered him coldly.

“O chill lang pare. Eto oh.” Pag-aawat ni Mike sa amin at inabutan ako ng baso.

Tinanggap ko ang baso at inisang lagok ang alak. Binagsak ko nalang ang baso at tumayo na. If I'm going to drink this thing, I'd rather drink alone than face these people and be in the hot seat.

Dumiretso ako sa bar counter. “JD.” Order ko sa waiter pagkaupo.

Inabutan naman niya agad ako ng isang baso.

“Babae?” Tanong ni Luke sa akin. He's a friend. Dahil sa pagiging regular ko dito, nakilala ko na siya.

Tumango nalang ako. “Tsk. Mahirap yan.” Tapos iniwan na nya ako at inasikaso ang ibang customer.

Nangmaubos ko ang isang baso, kumuha ulit ako ng isa. Luke kept them coming for me.

“Isa pa.” Sigaw ko pagkaubos ng boteng iniinom ko. Hindi ko alam kung nakakailan na ako.

Inabutan niya ako ng panibagong baso. “Sigurado ka pare? Lasing ka na ah.” Puna naman sa akin ni Luke.

“Kaya ko pa.” Mahinang sagot ko.

Kung sana lang sa bawat inom ng alak, nababawasan ung sakit. Ung sakit sa isiping baka wala na akong makitang Ciara na nagmamahal sa akin bukas. Ung sakit sa isiping puro galit nalang ang maaring ipakita sa akin ni Ciara.

She didn't let me explain in the first place. Pero naiintindihan ko naman siya kung hindi niya ako papakinggan. She has all the reasons to doubt me.

The Blind Side of Love || COMPLETEWhere stories live. Discover now