Chapter 10: Shakespeare In Love

19.8K 297 45
                                    

A/N: Walang BS! Di kasi akma sa naisip ko eh. Bahala na kung kailan ang BS para sa mga naghahanap! Sorry na. XD

PS. Sana magustuhan niyo to. Kasi exam week ko ngayon at talagang tinapos ko 'to para makapagaral ako ng maayos. Natakbo kasi sa isip ko kaya tinype ko na. :))

**


CHAPTER 10: SHAKESPEARE IN LOVE

Minsan hindi enough ang salitang sorry para pagtakpan ang lahat ng nagawang kamalian. Sabi nila learn from your mistakes.

Pero pano kung ang pagkakamaling iyon ang nagpapasaya sa’yo, hihingi ka ba ng tawad?

Ako? Gusto ko. Gustong gusto ko.

Gusto kong humingi ng tawad kay Kim. Pero alam ko kahit ilang beses ako magsorry sa kanya, di non matanggal ang sakit na nagawa ko.

Three days. Its been three days since the incident happen.

Tatlong araw na din akong hindi napasok. Nakapatay na ang cellphone ko. Hindi ko binubuksan ang facebook at twitter ko.

Gusto ko lang mapagisa sa panahong to.

“Hay nako, Ciara. Bakit mo ba ako laging pinagaalala?” I heard him sigh.

Si Terrence yun ah? Bakit parang ang lapit niya sa akin?

Impossible namang nasa condo ko yun. Busy yun dahil sa UAAP eh.

Bigla nalang may kumiliti sa paa ko. Sht. Ang lakas pa man din ng kiliti ko dun.

Napabangon ako bigla at bumungad sa akin ang pagmumukha ni Terrence. Fine, gwapong mukha. =______=

“Anong ginagawa mo dito?” Tanong ko sa kanya at nahiga muli.

 

“Tatlong araw na kitang di nakikita eh. Di ka naman macontact kaya pinuntahan na kita.” Sagot niya. “Ayos ka lang ba?”

 

“Ah.” I answered, ignoring his second question.

Hindi ko na siya pinansin at nahiga muli.

“Ano bang problema?” He asked. But then again, hindi ko siya pinansin.

Hinila niya yung kumot na pinangtatakip ko sa katawan ko.

Dumapa ako at nagtalukbong ng unan sa ulo ko. Hindi niya ba magets na ayaw ko siyang makita o makausap sa ngayon?

 

The Blind Side of Love || COMPLETEWhere stories live. Discover now