Chapter 20: I'm The One That Got Away

9.2K 125 14
                                    

A/N: Nalate ng ilang minuto. Hahaha. Merry Christmas everyone! :) <3

x x x

Chapter 20: I'm The One That Got Away

"... in another life, I would be your girl. We keep all our promises, be us against the world."

x x x

Sinabi sa akin ni Kuya JB yung pagtatalo nila ni Terrence sa hallway, three days after kong makalabas ng ospital. Silang dalawa ni Ate Aly ang nag-alaga sa akin. Hindi nalang ako nagreact. I… I just don't want to think things for now.

Terrence keeps on texting and calling me. Hindi ko nalang siya sinasagot. Hinayaan ko nalang mamatay ang phone ko sa tawag niya. Hindi ko na din chinarge.

Pati sina RR, pinipilit akong Makita sila at si Terrence.

Pero sa ngayon, I think this is what's right.

To avoid him. And everyone else.

x x x

Three months later...

I'm on my way to Ate Aly's house. It's Christmas Eve and I should really be on my way sa airport. I won't be spending Christmas here. Gusto kong umuwi sa parents ko, sa Cebu.

"Kuya JB! Anjan si Ate Aly?" I shouted when I spotted him on their backyard.

"Oo. Tuloy ka." May tinawag siya sa loob ng bahay para pagbuksan ako ng gate.

I greeted Kuya JB again. He pointed a room, JJ's room. "Andun si Aly."

I knocked twice before I opened the door. Kulay blue at white ang bumungad sa akin na room. Di mapagkakailang kwarto nga ito ng anak nila.

"C! I missed you!" Ate Aly greeted me with a hug, karga pa si JJ. "Hi Ninang!" She mimicked to her son. JJ laughed and reached his small hands to me.

"Hi JJ!" I said and reached for him. Bigla siyang tumawa.

"Mukhang nasasanay na sa'yo si JJ ah." Ate Aly said.

Inabot ko sa kanya yung paper bags na dala ko. "Merry Christmas, Ate!"

Tumawa siya, "Hindi ka na sana nag-abala."

"Eh hindi naman para sa'yo yan. Para yan kay JJ noh."

Dumating na si Manang, may dalang mga inumin at cupcakes. Inabot na ni Ate Aly si JJ, at nilagay sa crib. Inutusan niya si Manang na patulugin na si JJ dahil mag-uusap kami.

Nagtungo kami sa living room. Andun si Kuya JB, pero nung nakita niyang dun na kami pupunta, tumayo na siya at naglakad patungo sa kwarto nila. I just smiled when I met his gaze.

"So dito ka pala magpaPasko?" Tanong niya agad sa akin nung makaupo na kami.

Umiling ako. "I'll be spending my Christmas sa Cebu. Dadalawin ko parents ko."

Ate Aly's face showed a shocked expression pero tinanggal niya din agad iyon. "Ilang araw ka dun?"

I sighed. "Hindi ko rin alam Ate. But I'll be back, don't worry. I just want to visit my parents and maybe have a me time for a while."

"Alam ba niya?" She asked. Umiling ako. "Hanggang kailan mo ba siya pagtataguan, C?"

"Hindi ako nagtatago Ate. Ayoko muna siyang makita. I'm recreating my life. A life without him."

The Blind Side of Love || COMPLETEWhere stories live. Discover now