Chapter 19: Six Degrees Of Separation. (1st part)

10.1K 115 7
                                    

CHAPTER 19: SIX DEGREES OF SEPARATION (1st Part)

I don't know what to feel after what happened. Hindi ko alam kung dapat ko pang ituloy 'to. Ni-hindi man lang siyang nag-abala na bumaba ng sasakyan niya at habulin ako para magpaliwanag.

I can remeber that look on his face a while ago. He was surprised to see that lady, but recognition entered his face. That lady may not be lying about their relationship.

At dun na unti-unting bumagsak ang luhang kanina ko pa pinipigilan.

Ilang beses na ba akong lumuha dahil sa kanya?

Ilang beses na din ba akong nasaktan dahil sa kanya?

At ilang tao na ba ang nasaktan ko dahil sa pagmamahal ko sa kanya?

Bigla nalang tumunog yung cellphone ko. Hindi ko na sana sasagutin kaso nakakairita yung tugtog. Hinanap ko 'yon sa bago ko at sinagot nalang nang hindi tinitignan ang caller.

"Ciara?" It was Ate Aly. Her voice full of concern.

"Ate.." Then my tears started rolling down my face.

"Nasaan ka? Is Terrence with you? Anong nangyari?" Sunud-sunod na tanong niya. I can't seem to say the right words for her question.

"A-ate, ang sakit-sakit.." I finally said, at nabitiwan ko na ang phone ko.

Bigla nalang ako napaupo sa sahig, hugging myself. Protecting my self kahit pa wala namang mananakit sa sarili kong condo. I cried my heart out.

Tumunog ulit ang cellphone ko, pero hindi ko na iyon sinagot. Iyak lang ako ng iyak.

Ito na ba ang karma ko dahil sa pananakit sa bestfriend ko? Nagmahal lang naman ako eh. Hindi ko naman ginustong saktan si Kim. Hindi ko naman ginustong mahalin ko si Terrence. At lalong, di ko ginusto ang sakit na nararamdaman ko.

Bigla nalang naramdaman ko na hinang-hina na ang katawan ko. Darkness is slowly eating me.

Bumagsak na ako. The next thing I heard was a ring again from my phone.

**

Masakit ang katawan ko. No, masakit ang puso ko.

"Finally, you're awake! Mapapaanak ako sa'yo ng wala sa oras eh!" It was the first thing I heard ng magising ang diwa ko. Si Ate Aly.

"Na-nasan ako A-ate?" I asked the best that I could. Pero hindi na rin niya kailangang sagutin kung asan ako.

White walls. White ceiling. Single bed with white sheets. Sofa. Side table. And a television.

"Paano ako nakarating dito?" Muling tanong ko. Pilit kong makaupo, pero inalalayan ako ng isang lalaki. He must be Ate's fiancee.

"Dahan-dahan lang Ciara. Kami ni JB ang nagdala sa'yo dito." Sagot niya habang naglalakad papalapit sa akin.

"Iwan ko muna kayo." The guy said then kissed Ate Aly on her forehead.

  

What a sweet gesture... Forehead kisses.

Nang umalis si Kuya JB, umupo sa tabi ko si Ate Aly. Hinawakan niya ako sa kamay kong walang IV. She opened her mouth pero walang salitang lumabas. Bumuntong hininga siya.

"Anong nangyari C? You were breaking down nang maabutan kita sa condo mo. What were you thinking?!" Malumanay pero mapapansin mo ung galit sa boses niya.

"I'm sorry Ate." Ang tanging nasagot ko sa kanya. Napayuko ako.

Silence fell.

And tears started falling in my eyes... Again.

"C, ano bang nangyari? We're sisters from different mothers nga lang. But you know you can trust me." Ate Aly said, smoothing my hand. Napakapit nalang ako sa kanya. Hindi ko na mapigilan ung luha ko.

"Totoo ba ung kasabihan ate na once nagawa na ng isang tao ang isang pagkakamali, magagawa at magagawa niya ulit un?" I said, kahit na paputol-putol dahil sa paghikbi ko.

Hindi siya agad sumagot. Tingingnan niya ako sa mata. Awang-awa siya sa akin.

Ayoko. Ayokong may maawa sa akin.

"Well, oo. Pero depende naman kasi yun sa tao kung gagawin niya ulit yun eh. People change, C. Alam mo yan. Does this question have to do with Terrence?" Sagot niya.

Tumango nalang ako. I can't seem to voice it aloud now. I can feel the pain.

Yung sakit na nagawa ko kay Kim, bumabalik sa akin.

Bakit kailangang mangyari pa 'to?

Ito na ba ang tinatawag nilang karma?

Bad karma?

Is this what I get for loving Terrence?

---

 A/N: I know ang tagal kong di nagupdate tapos ang ikli pa. SORRY. :( Ang sabaw ko kasi nung 2 months vacation, tapos ngayon namang pasukan naman, buhos agad ung gagawin. Ayon sorry. May next part pa 'to, di ko lang matype kasi tamad! Ahaha. Joke, de kasi nagaaral po ako! =)) So ayon. Sana nandito pa readers nito. =)))

The Blind Side of Love || COMPLETEWhere stories live. Discover now