15 - PADER

1.3K 46 14
                                    


"Isa...dalawa..."

Minabuti ko na lang na maghintay ng umaga bago ako magpatuloy sa paglalakad dahil masyado nang madilim at tahimik. Mabagal akong nagbibilang habang nakasandal sa puno para pigilan sana ang nararamdamang antok pero nang dahil sa pagod at takot, nakatulog na lang ako bigla sa paanan ng puno.

Nang magising ako kinabukasan nasa ibang lugar na ako, nasa isang bahay na hindi ko kilala.

"Gising ka na pala, Carmen," sabi ng isang babae na may hawak na mga panggatong.

"Kumain ka na doon, anak. May nakahain ng almusal," muling sabi niya.

Naguguluhan akong tumayo at sumunod sa babae. 

"Magpakabusog ka, anak ha," nakangiting sabi niya. 

Napangiti rin ako pabalik nang makitang madami ang kanin at sabaw.  Pinanuod akong kumain ng babae kaya inalok ko rin siya.

"Kain po," sabi ko.

"Sige lang, anak, tapos na ako," sabi niya.

"Sino po ikaw?" nagtataka kong tanong dahil ngayon ko lang siya nakita.

"Ako si Nanay Tessa mo, ikaw talaga anak kabata-bata mo pa makakalimutin ka na agad," natatawang sabi ng babae na lalong nagpalito sa akin.

"Sabi po nila wala na daw si nanay, ako daw kasalanan," nalilitong sagot ko.

Lumitaw naman ang galit sa mukha ng babae pero mahinahon pa rin siyang nagsalita, "Anong pinagsasabi mo d'yan, Carmen? Buhay ako pati si Tatay Boy mo, wala lang siya kasi nagtrabaho siya."

Hindi ko na naituloy ang aking pagkain dahil sa sobrang naguguluhan ako. 

"Si Lyka po saan?" 

Saglit na napahinto 'yung babae sa pag-aayos ng panggatong sa narinig mula sa akin.

"Kagabi, lumipat na silang bahay."

Nang dahil sa narinig ay mabilis akong tumakbo palabas ng bahay habang umiiyak.

"Lykaaaa..." malakas kong sinisigaw ang pangalan niya nang paulit.

Tumakbo rin ako sa daan, nagbabakasakaling maabutan ko siya, pero nahabol ako nung babae at mahigpit akong niyakap.

"Nakaalis na siya anak ko, andito naman si nanay, maglalaro tayo lagi ha?" malambing niyang sabi sa akin.

"Talaga po?"

"Oo, anak."

Sasagot na sana ako nang biglang may nagsalita sa likuran namin.

"Halos wala na nga tayong makain, at saka mo pa pinulot 'yan. Sabi ko na kasing hayaan mo na 'yan doon," sabi nung lalaki.

"Tumigil ka nga d'yan, Boy," pagalit na sabi ng babae sa lalaki.

Pagkatapos ay pinapasok niya akong muli sa bahay bago balikan yung lalaki para mag-usap muli. Nang sumilip ako ay nakita kong hinahampas ng lalaki ang babae at sinasabunutan. Mabilis akong sumiksik sa pader at pilit na nagtatago habang tahimik na lumuluha.

THE UNWANTED DAUGHTERWhere stories live. Discover now