8 - KUYA LENARD

3.2K 96 41
                                    

8—KUYA LENARD

Masayang magkahawak kamay kami ni Lyka habang papunta sa eskwela. Tulad ng dati ay nasa likuran namin si Tita Sabel. Tahimik akong nakikinig sa mga kwento ni Lyka patungkol sq mga kaklase niya na makikilala ko na mamaya.

"Lyk-lyk, mabait ba sila?" tanong ko.

Nalukot naman ang mukha nito, at saka sinabing, "Iyong isa hindi mabait! Si Arden!"

"Bakit?" muli kong tanong.

"Lagi siyang lumalabas ng room na walang paalam," sabi ni Lyka.

Hindi pala mabait ang lumabas ng silid ng walang paalam, isiniksik ko sa isip ko ang impormasyong iyon.

Nang nakapasok kami ng tinatawag na room ni Lyka ay nakita kong madami na ang nakaupo sa mga upuan. Umupo si Lyka sa silya niya at sasama na rin sana ako pero nakita kong walang bakanteng silya.

"Jaja! Sa upuan ka muna ni Madam!" sigaw ni Lyka sa akin habang tinuturo ang upuan sa harapan ng mga malilit na upuan.

Hindi ko kilala si madam pero doon ako umupo dahil nahihiya akong mag-isang tumayo doon.

Nang dumating ang guro ay sabay sabay na tumayo ang lahat binati ang guro, gumaya rin ako sa mga ginagawa nila.

Nakangiting lumapit ang guro sa akin at tinanong ang pangalan ko. Sinabi kong ako si Jaja.

"Janelle Lacson?" Ako iyon, kaya tumango ako.

"Tumayo ka muna, Janelle. Lipat natin ang upuan sa likuran," sabi ng guro kaya tumayo ako at sumunod sa guro habang buhat nito ang upuan papunta sa likuran.

Nang inilapag ng guro ay pinaupo niya ako. Ngumiti naman ako sa kanya at kinausap siya.

"Ano pong pangalan niyo po?" tanong ko.

"Madam Melanie," sagot ng guro.

Nanlaki ang mga mata ko at mabilis na tumayo at lumayo sa upuan.

"Upuan niyo po iyan," turo ko sa silya na inuupuan ko kanina

Natawa naman si Madam Melanie at sinabing sa akin muna ang upuan na ito habang wala pa akong magagamit na upuan.

"Janelle, magpakilala ka sa mga kaklase mo sa harapan. Tara," sabi ng guro.

Sumunod naman ako sa kanya at nakangiti kong tiningnan ang mga kaklase ko na tahimik na nanunuod.

"Ako si Jaja, nakatira ako sa bahay namin kasama ang dalawang kuya at isang tatay. Si mama ko, angel na siya," pagpapakilala ko.

Sabay sabay naman silang nag-hello sa akin kaya lalo akong napangiti.

"Jaja, saan ang nametag mo?" tanong ni Lyka sa akin kaya napatakbo ako sa upuan ko at kinuha ang nametag mula sa bag. Bumalik din ako sa harapan at doon isinuot ang nametag na gawa sa akin kuya Lenard ko.

"Janelle, sinong may gawa n'yan?" mahinang tanong ni Madam Melanie.

Ngumiti ako at sinabing si Kuya Lenard ko. Yumuko si Madam at dahan dahang inalis ang nametag na suot ko na ikinatahimik ng nga kaklase ko.

Naluluhang tumingin ako kay madam at naguguluhan.

"Mali ang pagkakasulat ng pangalan mo, igagawa na lang kita, Janelle," wika ni madam.

Kinuha ni madam ang panulat niyang puti at sumulat sa pisara.

JANELLE

"Iyan ang pangalan mo, Ja," nakangiting sabi ni Madam.

Tiningnan ko naman ang nametag na gawa ni Kuya Lenard na may nakasulat na mga letrang hindi ko kayang basahin.

SALOT

THE UNWANTED DAUGHTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon