9 - KASALANAN

1.9K 45 7
                                    

Hindi maipaliwanag ni Madam ang nangyari kaya hindi ko rin lubos maintindihan. Ang tanging alam ko lang ay mali ang nakasulat na pangalan ko. Naisip ko bigla ang edad ni Kuya Lenard, bakit kaya namali pa sya sa pangalan ko kahit na nag-aaral na siya?

Umuwi akong masaya at nasasabik na magkwento sa pamilya ko. Bago pa man ako makapasok ay nakarinig ako nang pagtatalo sa loob ng bahay.

"Lenard! Tumigil ka. Hindi mo alam kung anong gusto mong mangyari. Kapatid pa rin natin siya," narinig kong sabi ni kuya Ren.

"Kuya! Paano mong natatawag siyang kapatid? Siya ang dahilan kung bakit iniwan tayo ni mama!"

Napatigil ako sa gulat sa narinig. Totoo pala na ako ay may kasalanan ng pag-alis ni nanay gaya ng sinasabi ng karamihan.

"Lenard! Wala siya alam!" pabalik na sigaw ni Kuya Ren.

"Sige nga at sabihin mo sa akin kung nagagawa mo ba siyang tingnan at kausapin nang matagal?"

Natahimik ang dalawa at mukhang wala ng balak na ituloy pa ang pagtatalo. Pupunta muna sana ako kina Tita Sabel para magpalipas ng oras ng biglang bumukas ang pinto at lumabas si Kuya Ren.

"Narinig mo?" tanong ni kuya.

Mahigpit ang hawak ko sa bag ko at napatingin sa lupa.

"Iyon ang dahilan kung bakit masakit para sa aming tanggapin ka," sabi pa niya bago tuluyang umalis ng bahay.

Tumango ako kahit na wala na siya sa harapan ko.

Sa mga oras na iyon parang bumagsak ang saya ko at gusto ko na lang na umiyak nang umiyak. Pero ang sabi nga ni papa, wala akong karapatang umiyak.

Kaya pala. Ako pala ang may kasalanan.

THE UNWANTED DAUGHTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon