Sumpa ng Engkantada by Mejarie

26 3 0
                                    

Top 3 Winner

Sumpa ng Engkantada
Mejarie

“Huwag kang mag-alala, hangga’t nasa tabi ko si Adon, magiging maayos ako.”



Isang taos-puso at walang katapusang pasasalamat sa mga taong nasa likod ng tagumpay na aking nakamtan.
Sa Kanya na walang sawang bumabasbas sa akin ng napakaraming biyaya. Ito’y inihahandog ko sa iyo, Panginoon.

Kay Jahric at sa lahat nang bumubuo sa TBC Publications, maraming salamat sa pagbibigay katuparan sa aking pangarap na makapaglimbag ng aking kuwento.

Sa lahat ng mga mambabasa, tumatangkilik, at tatangkilik sa mga kuwentong galing sa TBC Publications, salamat sa suporta at tiwala.

Kay Maki at Ate May na siyang nagbukas ng aking mga mata sa reyalidad at nagturo sa akin ng napakaraming bagay. Salamat, Team Bad *****.

At sa aking mga kaibigang naniniwala sa aking kakayahan.

Muli, maraming salamat sa inyong lahat!

Mejarie



“Alam kong nagkamali ako. Pero mahal ko si Adon, Amang Hari!” Hinawakan niya ang kamay ng kaniyang Ama at umiiyak na nagsusumamo rito. Inialis nito ang kaniyang kamay at bakas sa mukha nito ang galit dahil sa ginawa niya.

“Alam mong hindi tayo puwedeng umibig sa isang mortal. At ilang beses ka na rin naming binalaan na huwag lumabas ng portal papunta sa mundo ng mga tao. Ngunit sadyang matigas ang iyong ulo at sinuway mo ang aming mga utos!” Bumuntong-hininga ang Hari at mataman siyang tinitigan. “Ang batas ay batas! Nilabag mo ito kaya dapat kang parusahan!”

Sinenyasan nito ang mga tauhan na damputin siya. Agad namang kumilos ang mga ito at tinalian ang kaniyang kamay.

“Ama!” sigaw niya habang kinakaladkad siya ng mga tauhan papunta sa korte upang hatulan.

Nakatayo siya sa harap ng punong-tagahatol. Kinakabahan siya sa parusang ipapataw nito sa kaniya.

“Alera, anak ni Haring Sonoro at Reyna Emeya, nilabag mo ang batas ng ating kaharian. Ikaw ay naglabas-pasok sa mundo ng mga mortal ng walang pahintulot. Ikaw ay umibig sa isang mortal. Ikaw ay nagpapasok ng mortal sa ating kaharian.” Itinuro ng taga-hatol ang isang nakakulong na lalaki. “Dahil sa mga nilabag mong batas, bibigyan ka namin ng parusang nararapat sa iyo.”

Matapos iyong sabihin ng taga-hatol ay pinaligiran siya ng mga engkantada. Umusal ang mga ito ng isang dasal. Pagkalipas ng ilang minuto ay nahilo siya at nawalan ng malay.

*****

Nagising si Alera na kaharap ang pinakamamahal niyang si Adon. Nginitian niya ito at bumangon siya mula sa pagkakahiga.

“Anong nangyari?” tanong niya sa lalaki habang inilibot niya ang paningin sa loob ng kulungan.

Bigla namang dumating ang nakatatandang kapatid niyang si Genera.

“Ikaw ay nanghina matapos ka nilang tanggalan ng kapangyarihan. Hindi mo na makakausap ang mga halaman at hayop. Hindi mo na mapapagaling ang may sakit. At hindi ka na rin magiging parte ng ating pamilya. Magiging isang normal na engkantada ka na lamang.” Napayuko ang kaniyang kapatid at nagdadalamhati sa sinapit niya.

“Genera, maaari ko bang malaman kung bakit nila ikinulong si Adon? ‘Di ba’t ako lang ang dapat na parusahan? ‘Di ba’t dapat nilang pakawalan si Adon at pauwiin siya sa kanilang mundo?” usisa niya sa kaniyang kapatid.

Tumitig ito kay Adon. “Malaki ang galit ni Ama sa kaniya.”

Lumapit si Alera sa kapatid at hinawakan ang kamay nito.

Jahric Lago Presents: Sweet Fantasy (Published under TBC Publications)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon