Ephemeral by Alyzza Maureen

41 5 0
                                    

Ephemeral
Alyzza Maureen

“Kahit ngayon lang, bigyan mo naman ako ng isang taong magmamahal sa akin.”



For my best friend who introduced the world of fantasy to me.

Alyzza Maureen



Tiningnan niya ang kanyang repleksyon. Naalala niya kung gaano siya kaganda dati, kung gaano kahaba ang kanyang buhok at paano ito kuminang dahil sa itim na kulay nito. Alam mo ‘yong pakiramdam na binigay sa’yo ngunit binawi agad? Ganoon pa rin naman ang kulay ng ma-porselana niyang balat, ang matangos niyang ilong, ang mapupulang labi at ang kanyang mga naggagandahang mata na kayang bumihag ng mga kalalakihan. Siya na yata ang pinakamagandang babae na pati ang diyos ng karagatan ay lumuhod sa kanya.

Ngunit, hindi talaga mawawalan ng mga insekyorang nais sumira sa kanya.

Sinumpa siya. Hindi niya na yata kayang tingnan ang sarili niya mula sa salamin. Dahil sa inggit ng isang diyosa, na siya’y isang hamak na mortal lamang, ay nalamangan niya ang diyosa. Ang diyosa ng kaalaman ang sumira sa pagkatao niya.

Hinawakan niya ang kanyang mga alaga na dati’y kanyang buhok, ang kanyang mga alagang ahas. Umaalingawngaw ang pagtunog nito at magulo kung ito’y gumalaw. Ginawa siyang isang halimaw ng diyosa ng kaalaman.

Tiningnan niyang muli ang kanyang sarili sa salamin. Nakakatakot. ‘Yan siguro ang mababansagan sa isang tulad niyang halimaw. Binigyan siya ng isang sumpa na kung saan magiging isang halimaw siya at kung sino man ang tumingin sa kanyang mga mata ay magiging bato.

Hindi niya alam kung matutuwa ba siya sa sumpang ito na para sa iba ay isang regalo. Hindi na siya mahina tulad dati, mayroon na siyang kapangyarihan na kayang-kayang pumatay ng tao.

Napangiti naman siya ng mapait ng maalala niya na dahil nagamit niya ang kanyang mga mata sa pagpatay sa sarili niyang pamilya. Wala na siyang pamilya o kaibigan. Mag-isa na lang siya. At kasama ng sumpang ito ang pamumuhay habang buhay nang walang kasama. Mas pipiliin niya pang mamatay kung ganito lang din ang daranasin. Masakit. Masakit kung lagi kang nag-iisa.

Nasa isa siyang paraiso ngunit nag-iisa lamang siya roon. Sobrang lungkot ang nararamdaman niya paglipas ng panahon.

Ngunit lingid sa kanyang kaalaman na may darating na magpapabago ng ikot ng kanyang mundo. Isang mortal na magpapabago sa pusong bato ni Medusa. Isang mortal. Sa dinami-rami ng tao, isang hamak pang mortal, ang nasa isip ni Medusa.

Nakatago lamang si Medusa sa isang madilim na sulok nang makita niya ang mortal. May hindi kalakihan ang katawan at may maamong mukha. Kung titingnan mo siya ay parang normal lamang.

Naramdaman ni Medusa ang hatak nang dumaan ang tingin nito sa kanya. Hindi siya sigurado kung sa kanya ba ito nakatingin o napadaan lamang. Basta, hindi alam ni Medusa ang kanyang gagawin. Kapag nakita ng lalaki ang kanyang mga mata ay mawawala rin ito sa kanya. Katulad ng ibang dumating. Mamamatay din siya sa kanyang mga kamay.

Pumikit ng mariin si Medusa na parang siya ang pinaggagamitan ng kapangyarihan niya. Sa isang iglap ay nagulat na lamang siya na nasa harap na niya ang mortal. Mas lalo niyang pinikit ang kanyang mga mata at siya’y taimtim na humiling, “Kahit ngayon lang, bigyan mo naman ako ng isang taong magmamahal sa akin.”

“May tao ba riyan?” tanong ng mortal. Nagulat naman si Medusa. Hindi pa rin makagalaw siya sa kanyang puwesto. Tila tumigil ang oras para sa kanya. Tama ba ang kanyang hinala?

Tiningnan niya muli ang binatang mortal sa kanya. Kamangha-mangha ang hugis ng kanyang mukha, ang namumulang kulay ng kanyang mga balat, ang matangos niyang ilong, ang mahaba niyang buhok na umaabot sa kanyang leeg, at ang kanyang mga asul na mata na parang nang-aakit. Sobrang amo ng dating niya, hindi tulad ng ibang lalaki na dumating dati sa kanyang paraiso.

Jahric Lago Presents: Sweet Fantasy (Published under TBC Publications)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon