Musika by Hannaj Arsenal (hana)

40 4 0
                                    

Musika
Hannaj Arsenal

“Wise man say, only fools rush in.
But I can’t help falling in love with you.”



Una sa lahat, thank you kay God for giving me such a great opportunity. I didn’t expect na mapapasama ‘yong kwento ko sa libro na ito.
Salamat din sa family ko, sa Dyosa Squad especially kay Camille Jade, Marjorie at Angela na nagbigay ng ideya sa akin, sa lalaking naka-earphone na nakasakay ko sa jeep, sa Conjuring 2 na pinagkuhanan ko ng kanta, sa 5SOS at 5SOS Family for being my inspiration.
Thank you din kay Kuya Jahr at sa TBC Publications.
This story is dedicated to my bestfriend, Deira Ros, and her crush, Ian Angelo Nierva. Sana magustuhan mo ‘to, bes. Haha. All the love!

Hannaj Arsenal



Nagising ako sa isang lugar na hindi pamilyar sa akin. Agad akong napakunot-noo at inilibot ang aking paningin sa paligid.

Nasaan ako?

Maya-maya ay namataan ko ang isang lalaki sa hindi kalayuan. Dahan-dahan akong tumayo at naglakad papunta sa kinaroroonan niya.

“Sino ka? Nasaan tayo?”

Napalingon siya pagkarinig sa aking tanong.

Nanlaki ang mata ko nang makita ang kanyang mukha. Oo, natatandaan ko ang mukha niya. Siya ang lalaking kasakay ko sa jeep kanina bago maganap ang aksidente.

Agad na nagbalik sa alaala ko ang pangyayari bago ako napunta sa lugar na ito.

*****

Ipinasak ko ang earphone sa aking tainga matapos kong maramdaman na paalis na ang jeep na sinasakyan ko. Habang umaandar ang jeep ay nakatingin ako sa bintana at tinatanaw ang mga nadadaanan ko.

Kahit saan ay makakikita ka ng pula at mga puso. Pebrero 14 kasi ngayon, araw ng mga puso, araw ng pag-ibig.

Napabuntong-hininga ako. O, eh ‘di sila na ang masaya ngayong araw. Sila na ang may lovelife! Nag-focus na lang ako sa pakikinig ng musika.

Saktong tumugtog sa playlist ko ang paborito kong awitin. Ang Can't Help Falling in Love With You ni Elvis Presley. Oo, alam kong napakaluma na ng awiting ito ngunit hindi ko alam kung bakit sa tuwing naririnig ko ito, gumagaan ang pakiramdam ko. Siguro dahil may importanteng tao akong naaalala sa awiting ito.

Naramdaman ko ang pagkulbit mula sa likuran. Tinanggal ko ang isang earphone sa tainga ko at lumingon. Bumungad sa ‘kin ang isang lalaking ka-edad ko siguro at naka-earphone tulad ko. Unang tingin mo pa lang sa kanya ay masasabi mong may pagkaseryoso siya dahil siguro sa features ng mukha niya. Ang mga kilay niya ay malago na bumagay sa mga mata niyang misteryoso at matangos niyang ilong. Mamula-mula din ang kanyang labi at napakaprominente ng kanyang panga. Hindi ko alam kung ilang segundo akong nakatitig sa napakaguwapo niyang mukha. Nagising lamang ako sa tila pagkakahipnotismo sa kanyang hitsura nang marinig ko ang kanyang pagtikhim. Dumako ang tingin ko sa kamay niya na may hawak na barya.
“Miss, makikiabot ng bayad.”

Namula ang pisngi ko. Medyo nahihiya ko itong kinuha at naglapat ang dulo ng daliri namin. Hindi ko alam ngunit naramdaman ko ang mumunting kuryente na dumaloy sa aming mga daliri. Mabilis kong inalis ang kamay ko at ipinaabot ang bayad niya sa mga nasa unahan ko.

Nakurot ko ang sarili ko. Napakalandi mo, Deira! sita ko sa sarili.

Pero sabagay, malay mo siya pala ang forever mo, nakalolokong sagot ng isang bahagi ng utak ko.

Tse! Tumigil ka nga! sabi naman ng kabilang parte ng utak ko.

Binalewala ko na lang ang aking nararamdaman. Ipinasak ko ulit ang earphone sa aking tainga at nagpatuloy sa pakikinig ng musika.

Jahric Lago Presents: Sweet Fantasy (Published under TBC Publications)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon