My Knight by Precious Julienne Sabino

39 5 0
                                    

My Knight
Precious Julienne Sabino

“Meron na pa lang handang magligtas sa akin kahit na ano mang mangyari pero hindi ko napapansin dahil sa iba ako nakatingin.”



Una sa lahat ako ay lubos na nagpapasalamat kay Lord dahil binigyan niya ako ng talento sa pagsulat. Sa kaibigan kong si Andrea, Lorvie at Cathy na aking book buddies simula pa lang nung kami ay nasa 3rd year High School. Kay Angelica, miss na kita! Sa aking kaklase na si Jason na naghikayat sa akin na magsulat para sa Sweet Fantasy.

Sa aking CG Leader, ate Naomi. I love you po!

Sa CG Girls - Aila, Jessa, Marj, Arianne, Jhoy at Marga.

Salamat TBC Publications sa opportunity na ‘to na mailathala ang isa sa aking likha.

Kay Kuya Jahric, salamat po!

At siyempre sa aking Mommy at Daddy na mahal na mahal ko. Ma, Dad, para sa inyo ‘to. I love you!

Precious Julienne Sabino



Ang kanilang mundo ay nahahati sa dalawang kaharian, Kaharian ng Orechaedia at Kaharian ng mga Tao. Labing-pitong taon na ang nakalilipas simula nang makipagkasundo ang Reyna at Hari ng Orechaedia sa mga tao na kailanman’y hindi na dapat sila magkaroon ng interaksyon sa isa’t isa dahil magugulo lang ang mapayapa nilang mundo. Ngunit, dahil nagkaroon na ng kaibigan ang anak ng Hari’t Reyna na isang mortal ay hindi na nila napigilan ang kanilang anak sa taong iyon.

“Ciarra!” Tawag ni Clyde sa mortal niyang kaibigan. Nasa bakuran sila ng bahay nila Ciarra, tuwing Sabado lamang sila nagkakaroon ng pagkakataong mag-usap at magkasama.

“O, bakit, Clyde?” Nakangiting tanong ni Ciarra. Masaya si Ciarra sa mga oras na ‘yon dahil kasasabi lang sa kanya na siya ang nanalo sa naging patimpalak ng Reyna.

“Nanalo ka raw sa kompetisyon na inihanda ng aking ina’t ama?” Wika naman ni Clyde na agad namang nagpangiti kay Ciarra nang marinig niya ulit iyon.

“Oo, Clyde.” Tuwang-tuwa na sinabi ni Ciarra at pagkatapos ay hinawakan niya ang kamay ni Clyde, “magkakaroon na ako ng knight!” excited na excited siya dahil sa wakas mayroon nang magpoprotekta sa kanya.

Isang beses lamang sa isang taon na nagkakaroon ng ganoong klaseng interaksyon ang mga tao at ang mga naninirahan sa kaharian ng Orechaedia dahil sa kasunduan. Ngunit sa kagustuhan ng mga taong maranasan na magkaroon ng knight, kaya’t isang beses sa isang taon ay nagpapatimpalak ang Reyna’t Hari sa mga tao. At sa taong iyon si Ciarra ang nanalo.

Walang masabi si Clyde kaya naman ay pinalo siya ni Ciarra nang marahan sa braso nito, “Hindi ka ba masaya para sa akin?”

“Hindi mo naman kailangan ng knight eh...” Sa isip ni Clyde.

“Sus! Ang KJ mo. Saka kailangan ko ng knight.” Sabi ni Ciarra.

“Bakit mo ba gusto magka-knight?”

“Kasi gusto ko na mayroong nagpoprotekta sa akin.”

*****

Bago pumunta si Ciarra sa kanilang eskuwelahan ay nagulat siya nang may makita siyang matipunong lalaki sa labas ng kanilang bahay. Nakatingin ito sa kanya at nang makalapit siya ay tinanong siya nito, “Ikaw ba si Binibining Ciarra Dela Vega?”

Agad naman siyang napangiti at tumango bilang sagot sa tanong nito.

Ako nga pala si Quinten, Binibini. At ako ang iyong knight.” Wika nito sa kanya sabay hinawakan ang kanyang kamay at hinalikan iyon. Sa puntong iyon, alam niyang mapula na ang kanyang mukha dahil ramdam niya ang init ng kanyang pisngi kaya’t napangiti na lamang siya.

Pumasok si Ciarra na kasama ang bago niyang Knight at simula sa araw na ‘yon ay poprotektahan na siya ni Quinten. Isang linggo siyang babantayan nito. Gusto niya sana pang habambuhay na kaso iyon ang sabi ng Reyna, isang linggo lang.

Jahric Lago Presents: Sweet Fantasy (Published under TBC Publications)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon