Chapter 45 - Chains

32.3K 608 74
                                    

Autumn P.O.V.

Habang naguusap kaming dalawa ni Eliz ay hindi ko din maiwasan makadama ng awa para sa kaibigan nya na si Jace. Kahit paano kasi ay may pagkakatulad kami ng pinagdadaanan ngayon. Kung sya ay gustong ipakasal ng ama nya sa taong ayaw nya, naman ay nagmamahal ng taong ayaw ng ama ko. Hiniling ko na lang na sana ay hindi dumating pa sa punto na pilitin ako ni Dad na ipakasal o ipagkasundo sa taong ayaw ko dahil kapag nagkataon ay tatakas din ako kagaya ng ginawa ng kaibigan nya.

"Babe ang lalim ata ng iniisip mo?" Pukaw sa akin ni Eliz habang nasa cafeteria kami at kumakain ng tanghalian.

Umangat ang tingin ko sa kanya mula sa pagkain na kanina ko pa pala pinaglalaruan ng tinidor "Naisip ko lang yung friend mo, parang ang hirap kasi ng situation nya"

Nalungkot ang expression nya "Ilang beses ko na nameet ang Papa nya, malupit syang tao at hindi marunong maawa kahit sa anak pa nya"

Napatungo uli ako at napaisip, naalala ko kasi si Dad. Mula ng nalaman nya yung relasyon namin ni Eliz ay sobrang nag iba na ang pakikitungo nya sa akin. Pakiramdam ko nga madalas ay hindi na ako nageexist sa paningin nya, hindi nya na ako magawang kausapin o tignan man lang kapag nagkakasalubong kami sa bahay. Minsan narinig ko pa na sinabi nya kay Mommy na kahihiyan lang ako sa pamilya namin at hindi ko napigilan maiyak dahil doon.

"Babe..." nag aalala ang tono ni Eliz. Naramdaman ko ang paghawak nya ng kamay ko na nakapatong sa lap ko.

Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang luha ko at mabilis ko itong pinahid bago tumingin sa kanya.

"Pasensya ka na babe, nasasaktan pa din ako sa nangyayari sa amin ni Dad ngayon.." hingi ko ng paumanhin sa kanya, ayokong isipin nya na nagsisisi ako sa relasyon namin.

"I understand, kung pwede ko nga lang kausapin ang Dad mo para maging bukas naman ang pagiisip nya tungkol sa atin"

Napahigpit ang hawak ko sa kamay at hindi ko mapigilang magpanic ng marinig ang sinabi nya "Don't do that, i know my dad he's a really stubborn man. Baka sa halip na maunawaan nya ay lalo lang nya ikagalit yun"

"Ok calm down, hindi ko naman gagawin yun kung ayaw mo"

Nakahinga ako ng maluwag "Thanks babe" bago ako napangiti "Bakit ang swerte ko sayo? Maganda at sexy na, napaka understanding pa"

Napangiti din sya, yung smile nya na sobrang sexy "Sus nambola pa ang girlfriend ko" bago nya ako malambing na kinurot sa baba.

Napatingin sya sa plato ko at napansin nya na hindi na ako interesadong ubusin ang natitirang pagkain ko dito "Tapos ka na? Alis na tayo?" Tanong nya.

"Ok, wala na din naman akong gana" sabay na kaming tumayo at naglakad palabas ng cafeteria.

"Nasaan na yung ibang friends mo?" Tanong ko paglabas namin, parang nakita ko kasi sila kanina na magkakasama habang nageenroll.

My so-called Lez Life (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon