Chapter 16 - Old friends

50.6K 896 70
                                    

Autumn P.O.V.

Kahit gustuhin ko huwag pa din pumasok ngayong araw ay napilitan na din ako. Paano ba naman useless din ang pag iwas na ginagawa ko kay Eliz kasi baka puntahan na naman ako sa bahay kagaya ng nangyari kagabi.

Nainis ako sa ginagawa nyang pamimilit na umamin na ako daw ang girl na nameet nya sa bar. Kahit anong mangyari hindi ako pwede umamin sa kanya, kahit na sobrang na obvious nya ako sa pamahak na black heels at yun dress na nakalagay sa hamper. Sa susunod nga iiwan ko na lang yun gamit sa apartment para walang ebidensya.

Papasok pa lang ako sa gate ay sinalubong na ako ni Windsor. Hiwalay kami pumasok today kanya kanya kami ng dala ng kotse.

"Hi my princess ok ka na ba today?" Halata ang concern sa boses nya. Sinalat pa nya ang noo ko para icheck kung mainit ba ako.

Natatawang inalis ko ang kamay nya sa noo ko. "Ok na ko" maikling sagot ko habang diretso na sa direksyon ng classrom. Kinuha pa nya ang backpack ko para buhatin saka sya sumunod sa akin.

Pagpasok namin sa classroom ay naupo na agad ako sa chair ko, inilapag ni Windsor ang backpack sa desk ko. Napa aga ang dating ko kaya wala pa ang prof namin, kinuha ko na lang ang book sa bag ko saka nag binuksan at nagbasa basa.

Ng may marinig ako ang naguusap sa likuran ko.

"Guys have you seen the new girl? Yung tall and pretty, I heard she's a professional model in Australia. No wonder she's so glamorous and very sexy" excited na kwento ng isang girl sa mga friends nya na halatang mga bilib na bilib naman na nakikinig.

Umepal ang isang guy na kausap nya "Liligawan ko yun..tignan nyo 1 buwan lang mapapasagot ko na sya" mayabang na sabi nito bago tumayo at inayos pa ang kwelyo nya.

Pinagbabato lang sya ng papel ng ibang estudyante saka sinigawan ng "Booooo!"

 

Lihim ako natatawa sa pinaguusap nila, kahit hindi nila banggitin ang name ay alam kong si Eliz ang tinutukoy nila.

Sorry na lang ang mga boys....mas interesado kasi si Eliz sa magagandang babae.

Ilang minuto pa ay dumating na din ang prof namin. Blah blah blah. Tulalang nakatanga lang ako...ang isip ko lumilipad..lumilipad sa magandang babaeng humalik na naman sa akin kagabi. Ang babaeng laman ng isip ko magdamag.

Hay Eliz...bakit ba masyado na ako affected sa presensya mo? Kailangan ko na itigil ang kahibangan ko...bago pa sya lalong lumalim.

"Miss Dimaguiba can you please answer question number 3?"

Eto ang gumising sa malalim kong pagiisip kay Eliz at sa nangyari sa amin kagabi.

"Huh?" Gulat na napatingin ako sa prof ko, pati si Windsor at ang buong klase ay sa akin na pala nakatutok ang mga mata.

"The question number 3 Ms. Dimaguiba" ulit ni Prof saka matamang nakatitig sa akin.

My so-called Lez Life (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon