Chapter 44 - Jace

34.8K 673 71
                                    

Eliz P.O.V.

“I Love you so much Eliz...” sabi ng babe ko saka sya yumakap ng mahigpit sa akin.

“I love you too” nakangiting sagot  ko naman at saka sya hinalikan sa pisngi.

Kahit  pagod ay sobrang saya ko na nakasama ko na uli si Autumn ngayon at hindi na sya nagtatampo sa akin kagaya ng huling pag uusap namin kagabi.

Niyaya ko sya maupo sa kama, pero bago pa sya tuluyang makaupo sa tabi ko ay mabilis ko syang hinila sa ibabaw ng lap ko saka sya niyakap ng mahigpit.

“Babe...”  pumikit ako habang dinadama yung init na nanggagaling sa katawan nya.

“Babe alam na ba ng mommy mo na nandito ka na?”  narinig kong tanong nya.

Dumilat ako  saka pinatong ang baba ko sa balikat nya   “Hmmmm hindi pa, pero sinabi ko naman sa kanya na dito muna ako didiretso pagkabalik ko dito....paano meron isang tao dyan na sobrang nagtatampo na dahil namimiss na ako”  saka ako napangiti.

“Hmmmp! Hindi ako yun”  depensa naman nya.

“Hindi daw? Eh kagabi nga lang nagalit ka”  pang aasar ko pa.

“Babe...”

I looked at her  “Hmmmm?”

“Namiss mo ako?” malambing na  tanong nya.

“Sobra.........kaya nga nandito na uli ako, hindi ko na ata kayang tumagal pa ng isang araw na malayo sayo”  sagot ko at mas hinigpitan ko ang yakap sa kanya.

“Sobrang namiss din kita  Babe....pero uwi ka muna kaya sa inyo baka hinihintay ka na ng Mommy mo”

Saglit akong nag isip  “Ok, pero sasama ka sa akin at doon ka matutulog sa bahay” 

Natigilan sya ng marinig ang sinagot ko, lumingon sya sa akin  “Ok...tara na” sang ayon nya habang inalis ang pagkakayakap ko saka na tumayo.

“Maligo lang ako..”  lumapit sya ng drawer saka kumuha ng towel.

Lumaki ang smile ko ng marinig ito  “Sama ako..”

Tumingin pa sya sa akin  “Hindi, maiwan ka dito”  saka na naglakad papunta  ng bathroom.

Nawala tuloy ang smile ko, akala ko naman namimiss nya din ako pero bakit hindi man lang ako sinama sa paliligo nya? Nahiga na lang ako sa kama nya at saka pumikit. Ang haba din kasi ng byahe ng eraplano, nakakapagod din yung matagal na maupo.

My so-called Lez Life (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon