Chapter 14 - only in my dreams

42.7K 867 52
                                    

Autumn P.O.V.

"S-sa supply room" nag aalangan pang sabi ko. Bakit nandoon ang kapares na hikaw na Eliz?? Ibig sabihin sya ang salarin na humalik sa akin kanina? Kailangang malaman ko ang totoo.

"Oh..thanks Autumn" tila wala lang na sabi nya saka kinuha ang hikaw sa kamay ko at saka kinabit sa tenga nya.

Saglit na namayani ang katahimikan sa aming dalawa.

Kailangan malaman ko mula kay Eliz ang katotohanan. Kailangang lakasan ko ang loob ko.

Humugot muna ako ng hininga bago lakas loob na nagsalita.

"Earlier somebody snuck me inside the supply room ...and I didn't see the face of the culprit" I said while staring intently at her.

Saglit syang tumigil sa ginagawa nya saka humarap sa akin. Almost 2 feet lang ang pagitan namin dalawa.

"I-i want to know if you had something to do with it Eliz.. at bakit ko nakita ang hikaw mo doon" patuloy ko pa.

Seryoso lang ang magandang mukha ng Eliz na nakatingin sa akin. maya maya pa ay tila may naisip sya at saka napangiti at unti unting lumapit sa akin.

Habang ako ay lumalakad paatras...

"Ano naman kung meron Autumn?..what are you gonna do? Charge me with sexual harassment?" tila nakakaloko pang sabi nya habang papalapit pa din sa akin.

Ng mapatigil na ako pag atras dahil naramdaman ko ang likod ko tumama na sa pinto ng isang cubicle sa likuran namin.

"G-gusto ko lang malaman bakit mo ginawa yun Eliz" ang lakas na ng kaba ng dibdib ko ng oras na yun.

Lalo na ng magdikit na ang katawan naming dalawa. Ramdam na ramdam ko ang init na nanggagaling sa katawan nya. Naaamoy ko ang natural scent nya, sobrang bango. Pakiramdam ko ay bigla ako nahilo dahil dun.

"Because I knew it Autumn...." she said still smirking. Her eyes are now showing this mischievous glint.

Omg ! Alam na nya? Pero paano?

Imposible...she's just bluffing.

"I don't know what you are talking about Eliz.." nag maang maangan pa ako. Hindi ako pwedeng umamin.

"Oh really now Autumn?" Sabi nya habang unti unting nilalapit ang mukha nya sa akin. Nagtayuan ang balahibo ko sa katawan ng maramdaman ko ang mainit nyang hininga sa mukha ko.

I knew she was about to kiss me kaya wala na ako nagawa kung hindi pumikit at hintayin ang halik nya.

Pero biglang bumukas ang pintuan ng CR at may pumasok na dalawang estudyante. Napalingon kami sa direksyon nila at Sinamantala ko ang pagkakataon na yon para tumakbo.

My so-called Lez Life (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon