Chapter 13 - Supply room

40.4K 890 76
                                    

Eliz P.O.V.

"Sigurado ka ba dyan Angel?" Diskumpyado ako sa plano na sinabi sa akin ni Angel. Biruin mo abangan ko daw si Autumn sa may supply room at pag napadaan sya dun ay hilahin ko papasok at saka siilin ng halik.

Pag gumanti daw sya ng halik ay siguradong sya daw yun girl na nakilala ko sa Royalty.... eh paano naman kung hindi ?

Paano kung magsisigaw at magsumbong? Omg nakakahiya pag nahuli ako. Ayoko ata makasuhan ng sexul harassment.

Weird din kasi mag isip si Angel. Basta kahit ano mangyari hindi ako sasang ayon sa plano nya. Kahit anong pilit nya...hindi talaga.

Over my dead body!

**************************************

Ang dilim dito sa supply room ha at ang lamok pa. Ano ba naman to napasukan ko?

Bakit naman kasi sa dinami dami ng lugar dito pa talaga sa madilim at nakakatakot na kwarto pa naisipan ni Angel ang plano nya?

Baliw din ako eh bakit ba naman kasi ako pumayag.

Ang galing kasing mangumbinsi ng gaga, alam nya kung paano ako mapapasunod sa plan nya. Sabihin ba naman na hindi ko ba namimiss ang malambot ni labi ni Autumn.

Walang oras na hindi ko naisip si mystery girl. Ang maganda nyang mukha at sexy na katawan.

Hayyyyy. Ikaw ba talaga sya Autumn?

Nagvibrate ang cellphone ko sa bulsa na mabilis kong sinagot "hello Angel..." pabulong na sabi ko.

"Malapit na sya dyan girl buksan mo na" narinig kong sabi kabilang linya.

This is it!

Huminga ako ng malalim at saka binuksan ang pintuan.

Saktong padaan na sa tapat si Autumn, walang sandali akong sinayang hinila ko agad sya papasok.

Halata ang sobrang pagkabigla ni Autumn sa ginawa ko, hindi agad sya nakareact.

Sinamantala ko yun at saka sya siniil ng halik. Wow how I missed this soft lips of her.

Tinangka pa nyang manlaban ng mahimasmasan. Pero hinapit ko agad sya sa hips at idiniin pa ang katawan sa akin.

Naramdaman ko na lang na gumaganti na sya ng halik. I sucked her tongue and gently licked her lips. Lalo ako naturn on ng marinig ko syang nagmoan.

Oh Autumn...you're really so addicting.

Dahil sa nadadala na ako sa halikan namin ay wala sa sariling gumala na ang kamay ko sa katawan nya.

My so-called Lez Life (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon