Chapter 9 - That girl Autumn

43.5K 925 62
                                    

Eliz P.O.V.

Ang sarap ng tulog ko kagabi. Akalain mo yun napanaginipan ko pa yung girl na nameet ko Royalty exclusive bar the other night. Nagkita daw kami uli at ...at... alam nyo na. Was it a sign kaya na magkikita pa din kami?

Who knows?

May ngiti sa labi akong bumangon, today pupunta ako ng University para mag enroll. Actually tapos na ang enrollment period doon, but my Mom had to pull some string para lang makapasok ako.

I decided na magsuot ng baby pink na Cropped tank at black Pencil skirt with matching black heels. Kaya feeling ko lalo ako tumangkad

Naisipan ko din istraight ang hair ko now kaya kinuha ko ang hair iron ko sa drawer. After 20 minutes ay natapos ko na din unatin ang hair ko.

I checked myself in the mirror at nasiyahan naman ako sa naging outcome. Lalo ako naging sexy tignan.

Using my mom's 2014 Audi R8 coupe ay binagtas ko ang daan papunta ng Univ. I texted Angel para doon na kami magkita, magpapasama ako sa kanya kasi hindi naman ako familiar dun sa lugar.

After 15 minutes ay nakarating na ako sa univ. I parked my mom's car sa may side at saka bumaba. As usual, hindi ko na lang pinansin ang humahangang tingin ng mga kalalakihan nakakita sa akin.

Sa halip ay hinanap ng mata ko si Angel na madali ko naman nakita dahil sa kanyang Mustang shelby GT500 nya na nakaparada malapit sa akin. Ilang estudyante ba sa univ ang merong ganun sasakyan?

Kumakaw kaway pa si Angel pagkakita sa akin.

 

"Eliz..!" Tuwang tuwa syang lumapit sa akin. She's wearing a blue V-neck linen tee and a sexy 7 for all mankind jeans.

"To the highest level naman ang energy mo girl" natatawa ako sa kanya, daig pa nya ang batang may ADHD kung makabati.

"Oh well maganda lang ang gising ko" ngiting ngiti pa din sya.

Sabay na kami naglakad papunta ng gate, nag iwan muna ako ng ID sa guard bago ako nakapasok.

Tumingin ako sa kanya pagkatapos "I knew it..nakakilala ka chick dun sa bar?" I gave her a knowing look

"Hmmmmm...secret" sagot nya pero halata naman sa mukha na may nakilala nga sya. Iba ang ngiti eh...parang kinikilig.

"Kwento mo sa akin mamaya" nakangiting sabi ko.

She just sticked her tongue out saka kami sabay na nagtawanan.

Binaling ko ang tingin ko sa dinadaanan namin. Malaki din pla ito university. Malawak ang area at kabi kabila ang mga naglalakihang buildings. Madami din puno at maaliwalas ang paligid.

Ang dami din estudyante kaya naging malikot ang mata ko sa paghahanap ng hot girls. May mangilan ngilan din akong nakita.

My so-called Lez Life (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon