Chapter 5 - Her gorgeous eyes

49.7K 999 16
                                    

Autumn P.O.V.

Pagpasok namin sa loob ng sinehan ay napansin ko na kakaunti lang ang nanonood. Napakapit ako kay Windsor kasi baka madapa ako madilim na kasi sa loob, eh medyo sleepy pa naman kaya hilong talilong pa ko.

Hinanap muna namin ang seat number namin saka kami naupo. Inilagay ko yun softdrink na dala namin sa canister at sakto naman nagstart na yun movie. Hinilig ko yun ulo ko sa balikat ni Windsor at after ng ilang minuto hindi ko na mapigilan mapapikit at saka tuluyang nakatulog.

"Sleepy head tapos na yun movie" gising sa akin ni Windsor. 

Omg tapos na pla wala naman ako napanood. Single viewing pa naman ang palabas. Inayos ko ang salamin sa mata ko bago humikab. Ano ba yan tumulo pa ata ang laway ko sa tshirt ni Windsor kanina habang natutulog ako. Haha.

"Ang ganda ng movie no?" Nang aasar na sabi ni Windsor habang tumatawa.

I smacked his arm "Shutup" nakasimangot na sabi ko.

Sabay na kami tumayo at lumabas ng sinehan, I lazily walked nakakapit lang ako sa bakulaw na kasama ko.

"Tara tingin tingin muna tayo" yaya nya papunta sa direksyon ng Levi's store.

"Ayoko dyan...dun na lang ako sa kabilang store titingin" sabay turo ko sa Gap inc. store sa kabilang pwesto.

"Ok puntahan mo na lang ako sa Levi's after mo dun" paalam nya saka naglakad na papunta ng Levi's.

Ala zombie ang lakad ko papasok ng Gap store, naghanap ng tshirt at jeans. Usually kasi oversized tshirt lang ang Sinusoot ko at saka faded jeans. Mas kumportable naman ako sa ganung damit.

Pili dito. Pili doon. Sukat dito. Sukat doon.

This time 1 fitted boyfriend plaid shirt at 1 fluid split-neck top ang napili ko. Bumili din ako para sa ate Amber ko na 1 mint green na hi-lo slub tank top, tingin ko bagay sa kanya yun kulay. Bumili din ako ng 2 skinny jeans para sa akin. Pagkabayad ay dumaretso na ako ng kabilang store para puntahan si Windsor. 

Isang ngiting ngiti at nakatulalang mukha ni Windsor ang naabutan ko sa loob ng Levi's store.

"Anyare sayo?" Tanong ko while waving my hand in his face.

Tila nahimasmasan naman si Windsor saka tumingin sa akin. Take note ang ngiti nya from ear to ear pa din.

"I just met the most beautiful girl I've ever seen in my entire life" Exaggerated na sabi nito habang umaakto pang nakahawak sa puso nya at nakatingin sa labas ng store.

I raised my eyebrow at saka sinundan ng tingin ang tinititigan nya. Dalawang sexyng babae na nakatalikod ang nakita ko.

"Yeah right ..tara gutom lang yan" sabi ko sa kanya habang hinihila na sya palabas ng store. Tawa lang ng tawa ang loko.

Kinuha nya ang mga dala kong paper bag saka binitbit. Naisipan namin kumain sa yellow cab. Isang 18 inch pizza ang inorder nya.

Sarap ng kain ko, bukod sa carbonara at pizza ang pinaka favorite food ko in the whole wide world. Imagine naubos namin ang pizza ng kaming 2 lang. Takaw much.

Nagyaya na ko umuwi pagkatapos namin lumamon...I mean kumain pla ;) Diretso na kami sa parking area, madali naman namin nakita ang red Audi RS7 at mabilis nyang ini unlock. Lulugo lugo ko binuksan ang pinto saka naupo sa passenger seat. Iiling iling lang sya nakatingin sa akin bago nya inilagay sa passenger seat ang paper bag na dala.

"Tsk itulog mo na yan paguwi mo Autumn" sabi nya habang iniistart na ang kotse nya. Nagreverse at saka pinasibad na yun sasakyan.

Tulog ka dyan..may lakad pa nga ako mamaya. Supposedly 2x a month lang ang punta ko ng Royalty bar kaso anniversary nila ngayon, ang secret friend ko na part owner ng bar na si Harper insisted na pumunta daw ako. Sino ba ako to say no. Im sure ang daming pretty girls ang pupunta ngayon sa bar.

My so-called Lez Life (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon