Chapter 22 - 1st Date

47K 789 36
                                    

Sabi nun isa dyan iupdate ko na daw kaya napilitan na tuloy ko. Echos! Sya na kasi masipag magupdate haha.

Autumn P.O.V.

Saturday...

Kalkal dito kalkal doon, hagis dito hagis doon. Grrrrr best dress daw ever. Nakalat ko na lahat ng damit sa closet at wala pa din akong mapili.

Pakiramdam ko tense na tense ako. Ilang oras na lang pupuntahan na ako ni Eliz dito. Bakit ba naman kasi ako kinakabahan eh si Eliz lang naman yan. Hay. Ano ba Autumn..relax ka lang.

"Bahala na eto na nga lang" sabay hila ko sa isang black calvin klein sleeveless pleat-detail dress, nilapat ko sa katawan ko saka tinignan sa malaking salamin. Mukhang ok naman.

Nagmamadali ako nagpunta ng bathroom at saka naligo. 7pm daw ako dadaanan ni Eliz dito, buti na lang Saturday now wala parents at si ate Amber dito may mga lakad sila. And beside nakapagpaalam na din naman pla si Eliz sa parents ko, isasama daw nya ako sa isang "birthday party". Natuwa naman ang parents ko kasi natututo na daw ako makipag socialize at hindi na lang libro ang lagi kong kaharap.

Paglabas ko sa banyo at saktong 6pm na, may 1 hour pa ako para mag ayos ng sarili. I blow dried my long hair after that I decided to curl the tip of my hair to create a volume. Pagkatapos ay naglagay ako ng hair spray to lock it in place. I looked myself in the mirror at saka ako napa wow I looked more seductive than ever.

Sakto kakatapos ko lang mag make up ng marinig ko na ang busina sa baba....ok she's here na. Ang lakas ng kaba ng dibdib ko. Magustuhan nya kaya yun suot ko o kaya yun ayos ng hair o kaya make up ko?

Oh my gosh bakit ba kasi sobrang natetense ako??

Nagmamadali na ako bumaba ng marinig ko uli bumusina ang mainiping babae sa ibaba.

Pagbukas ko ng pinto nakita ko sya nakasandal sa kotse nya. Aba nakasimangot na sya habang panay check sa relo nya. Pero pag angat nya ng tingin at makita ako ay biglang umaliwalas ang mukha.

I swear this girl is bipolar.

Dahan dahan akong naglakad palapit sa kanya, pakiramdam ko slow motion ang lahat ng nangyayari. Nakita kong pinagmamasdan nya ako habang papalapit sa kanya at halata ang paghanga sa mga mata nito habang nakatingin sa akin. Kaya lalo tuloy ako natense.

hindi sinasadyan natapilok ako...

OMG!

Pabagsak na sana ako sa lupa ng maramdaman ko ang malambot na braso na sumalo sa akin bago pa man ako maghihiga sa semento.

Nakayakap ang isang braso nya sa bewang ko...habang yun isa masuyong nakahawak sa braso ko. Umangat ang tingin ko sa mukha nya para magpasalamat kaso natigilan ako ng marealize ko na sobrang lapit ng mukha namin dalawa.

My gosh eto na naman yun moment namin na sobrang lapit namin sa isat isa, malaya ko na naman napagmasdan ang napakagandang mata ng dyosang nakayakap sa akin. Natulala na naman ako sa lagkit ng tingin nya sa akin..what's with her na isang tingin lang nya ay nawawala na ako sa sarili ko? A smirk formed her sexy lips.

My so-called Lez Life (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon